Hi Wattpadders,
Ang aming trabaho sa Support ay ang mai-unblock ka sa pinakamabilis na posibleng panahon para maipagpatuloy mo ang iyong regular na karanasan sa Wattpad. Gustuhin man namin na agad-agad na maitaas ang bawat isyu, mayroon kaming proseso para asikasuhin ang mga bug na may pinakamalaking epekto sa aming user base. Para ipaliwanag kung paano ito gumagana, aming ginawan ng outline ang prosesong ito upang maipakita kung paano inaayos ang mga bug.
Self-Help/Troubleshooting
Kadalasan, ang mga isyu ay resulta ng mga error sa pag-sync/pagkagambala sa koneksyon o outdated na mga app. Paminsan, nakararanas ang aming site ng mga problema na maaaring magdulot ng mga pansamantalang outage kung saan hindi ka hahayaang mag-load ng mga feature. Kung mayroong outage, aming hinihingi ang iyong pasenya habang inaayos namin ito.
Lahat ng klase ng mga app ay nakararanas ng ganito kaya’t ang pinakamainam na unang hakbang ay subukan ang basic na troubleshooting na maaaring makaresolba ng iyong isyu.
Maaari mo ring bisitahin ang aming Status Page para makita kung ang isang partikular na bahagi ng Wattpad ay nakararanas ng outage.
Pagsusumite ng Support request
Ang mga Support request ay ipinadadala sa aming Wattpad Support staff na susubukang i-reproduce ang isyu o magbigay ng mga hakbang kung paano ito maaayos. Kung nagawa nila itong i-reproduce, may report na magagawa at mapabibilang na ito sa iba pang mga kilalang isyu na bibigyan ng prayoridad, mabibigyan ng schedule, at matatalaga sa tamang mga developer na mag-aasikaso nito. Paano ba kami nagbibigay ng prayoridad? Gumagamit kami ng data para mabigyan kami ng impormasyon kung gaano karaming tao ang apektado at kung gaano kalaki ang maaaring pinsala ng bug. Ang dami ng mga report ay nagpapaalam sa amin kung paano dapat bigyan ng prayoridad ang isang bug, kaya kung may kilala kang iba pang user na nakararanas ng kaparehong isyu, hikayatin silang magpadala ng request.
Kung hindi namin magawang i-reproduce ang isyu, hindi magiging madali ang pag-ayos nito. Mahalaga na tuwing magre-report ka ng isyu na iyong nararanasan, magbigay ka ng maraming impormasyon hangga’t maaari. Narito ang ilang halimbawa ng mahahalagang detalye:
- Pangalan ng manunulat at ang kuwentong tinutukoy.
- Ang bersyon ng Wattpad na iyong ginagamit.
- Mahahanap mo ito kapag pumunta ka sa Profile>Settings>Version on iOS or Profile>Settings>About Wattpad>Version on Android
- Kung kailan mo unang napansin ang isyu. Pagkatapos ba ito ng software update?
- May ginawa ka bang mga pagbabago sa iyong account kamakailan lamang?
- Ano ang mga hakbang na dapat naming gawin para magaya ito?
- Mga Screenshot o Screen Recording ng isyu. Mahalaga ang mga ito para maintindihan kung paano gumagana ang isyu.
Mga Timeline para sa Pag-aayos ng Bug
Hindi kami makapagbibigay ng mga timeline para sa pag-aayos ng bug ngunit magbibigay kami ng updates. Paminsan, ang isang isyu ay maaaring magbukas ng ilan pang hindi inaasahang karagdagang trabaho na makapagpapatagal ng panahong igugugol ng aming mga developer para maayos ito. Binibigyan din namin ng prayoridad ang mga bug base sa bilang ng mga Support request na aming natatanggap, at mga lugar na apektado nito (pagbabasa at pagsusulat bilang aming pinaka-prayoridad), kaya kung may kilala kang nakararanas ng kaparehong isyu, hikayatin silang magpadala ng request.
Ang pinakamainam na paraan para manatiling may impormasyon ay i-follow ang isang artikulo sa Known Issues page para makatanggap ka ng email tuwing magbibigay kami ng mga update. Ganito ang itsura:
Maraming salamat sa iyong pasensya at pag-unawa
Ang Wattpad Support Team
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.