Ang mga inirerekomendang mga kuwento sa homepage ay base sa iba’t ibang mga algorithm ngunit karamihan sa mga ito ay naaapektuhan ng mga kuwentong iyong binabasa. Bilang resulta, kung ikaw ay nagbasa ng iba’t ibang klase ng mga kuwento at mas madalas, ang mga kuwentong inirerekomenda sa iyo ay magbabago.
Upang maging mas mainam ang mga inirerekomenda sa iyo at upang mas mabigyan ka ng kontrol sa iyong karanasan sa home feed, maaari mong i-adjust ang iyong Content Preferences sa pamamagitan ng pag-block sa ilang mga tag at pagpili kung magsasama o hindi ng mga mature na kuwento.
- Isama ang mga mature na kuwento: Pumili kung nais mong makakita ng mga Mature na kuwento sa iyong Home feed (kung ikaw ay nasa tamang edad) sa pamamagitan ng simpleng pag-’on’ at pag-’off’.
- Naka-block na mga Tag: Makontrol kung anong mga kuwento ang hindi mo nais makita sa Home feed sa pamamagitan ng pag-block ng ilang mga tag. Ibig sabihin nito, ang mga kuwentong may tag na iyong pinili sa mga Naka-block na Tag ay hindi na lalabas bilang rekomendasyon sa iyong Home feed. Hindi fan ng fanfic? Walang problema! Ang kailangan mo lamang gawin ay i-block ang tag na #fanfic.
Pumili ng platform upang tumuklas nang higit pa:
Sa Web
Pagsama o Pag-alis ng mga mature na kuwento:
- Tumungo sa iyong homepage.
- Sa ilalim ng carousel, i-click ang Content Preferences
- Sa Isama ang mga mature na kuwento, i-toggle ang on upang makita ang mga mature na kuwento at off upang alisin ang mga mature na kuwento
Mangyaring pakatandaan na ang opsyon na Isama ang mga mature na kuwento ay hindi lilitaw sa mga user na underage.
Pag-block ng mga tag:
- Tumungo sa iyong homepage
- Sa ilalim ng carousel, i-click ang Content Preferences
- Sa Naka-block na mga Tag, i-click ang I-edit ang mga Tag
- I-type ang mga tag na nais mong i-block sa iyong mga rekomendasyon sa Homepage, paghiwalayin ang mga tag gamit ang space
Sa Android at iOS
Pagsama o Pag-alis ng mga mature na kuwento:
- Tumungo sa iyong homepage
- Pindutin ang Content Preferences sa ilalim ng carousel
- Sa Include Mature, i-toggle ang on upang makita ang mga mature na kuwento at off upang alisin ang mga mature na kuwento
Mangyaring pakatandaan na ang opsyon na Isama ang mga mature na kuwento ay hindi lilitaw sa mga user na underage.
Pag-block ng mga tag:
- Tumungo sa iyong homepage
- Pindutin ang Content Preferences sa ilalim ng carousel
- I-tap ang Blocked Tags at i-type ang mga tag na nais mong i-block sa iyong mga rekomendasyon sa Homepage, paghiwalayin ang mga tag gamit ang space
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.