Skip to Content

Dark Mode

Ang feature na iyong inaabangan ay nandito sa wakas para sa lahat ng mga Wattpader. Nababawasan ng Dark mode ang liwanag mula sa screen ng iyong device na nakababawas naman ng eye strain lalo na kung gumagamit ka ng Wattpad sa madilim na mga lugar. Ngayon, maaari ka nang magbasa hangga’t gusto mo anumang oras, umaga man o gabi, kasama ang ekstrang benepisyo ng pagtitipid ng iyong battery tuwing hindi mo maibaba ang mga kapana-panabik na mga kabanata ng kuwentong iyong binabasa.

Kung mayroon kang iOS o Android device, kapag nakapag-upgrade ka sa app version na 8.64, susundan ng Wattpad ang dark o light setting ng iyong device. Kung ginagamit mo na ang Dark Mode sa iyong device, magiging Dark Mode rin ang Wattpad pagkabukas mo nito. 

Maaari mong i-set ang mode ng iyong Reader hiwalay sa iyong app settings. Para baguhin kung paano nadi-display ang iyong Reader, mangyaring tingnan ang: Reading Settings. Maaari mo ring tingnan ang paggamit karagdagang resources sa pag-set up ng iyong napiling device o assistive technology para ma-access ang Wattpad.

Pumuli ng platform para sa iba pang impormasyon:

Sa iOs at AN 

Ang Dark Mode ay suportado lamang sa mga device na gumagamit ng iOS13 o higit pa.

Para gamitin ang Dark Mode at Light Mode, maaari kang: 

  1. Tumungo sa iyong Settings app
  2. Tumungo sa Display and brightness 
  3. Piliin ang 'Dark' at bumalik sa Wattpad app.

O mano-manong palitan ang mga mode sa Wattpad app:

  1. I-tap ang Settings sa iyong profile.
  2. Piliin ang “Dark Mode” sa menu, at piliin na i-on, o i-off ito, o nakasunod sa iyong device settings.

Sa Web - hindi magagamit

Ang Dark Mode ay kasalukuyang available lamang sa Android at iOS app, at hindi sa desktop o mobile web version ng Wattpad.

May ilang third-party extensions* na maaari mong magamit sa Chrome. Kailangan mo munang i-download ang Chrome browser, bisitahin ang Chrome web store at ilagay ang ‘Dark Mode’ sa search bar sa itaas na kaliwang bahagi. May lalabas na listahan ng mga pagpipilian, pumili ng isa at patuloy na sundin ang mga hakbang. Mangyaring tandaan na hindi nagbibigay ang Wattpad ng suporta sa mga 3rd Party extension na ito

*Ang Third-Party extensions ay maaaring mayroong sariling mga tuntunin at patakaran sa paggamit at polisiya sa privacy, at ang paggamit mo ng mga Third Party extension na ito ay pinamamahalaan at napapailalim sa mga nabanggit na tuntunin at kondisyon at polisiya sa privacy. Nauunawaan mo at tinatanggap na hindi ini-endorso at hindi responsable o walang pananagutan ang Wattpad sa kahit na anong behavior, features, o nilalaman ng kahit anong Third Party extension o transaksyon na iyong maaaring pasukan kasama ang provider ng kahit anong Third-Party service, o nagbibigay patunay sa compatibility o patuloy na compatibility ng Third-Party extensions.

Kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapalit ng iyong settings sa dark mode, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1403 sa 2439 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.