Skip to Content

Pag-manage ng iyong impormasyon sa pagbabayad

Ang lahat ng transaksyon sa iyong mga subscription ay pinamamahalaan ng Apple o Google, depende sa iyong device. Mangangailangan ka ng valid na paraan ng pagbabayad gaya ng credit card, debit card, o gift card balance.  

Kung nakararanas ka ng isyu sa pag-link ng iyong credit o debit card sa iyong mga account, mangyaring i-review ang mga sumusunod na impormasyon.

Mag-click ang platform upang tumuklas nang higit pa:

Sa iOS 

  1. Buksan ang Settings app.
  2. I-tap ang iyong pangalan, pagkatapos ang iTunes & App Store. 
  3. I-tap ang iyong Apple ID (na kadalasan ay ang iyong email address), at i-tap ang View Apple ID. Maaaring hilingin sa iyo na mag-sign in. 
  4. I-tap ang Manage Payments. (Kung ang iyong gamit ay ang mas lumang bersyon ng iOS, i-tap ang Payment Information.) Pagkatapos, idagdag, i-update, ayusin ang pagkakasunod, o tanggalin ang iyong mga paraan ng pagbabayad. 
  5. Piliin ang edit sa taas na kanang bahagi para gumawa ng mga pagbabago. 

Kung nakararanas ka pa rin ng problema, mangyaring tingnan ang Apple's Support article o direktang makipag-ugnayan sa Applecare sa numerong (800) 263-3394

Sa Android 

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos ay ang Payment methods
  3. Sa ilalim ng "Add payment method", piliin ang paraan ng pagbabayad na nais mong ilagay. 
  4. Ang panibagong paraan ng pagbabayad ay maidaragdag sa iyong Google Account.
    Tandaan: Kung ikaw ay gumagamit ng Google Pay sa India bilang paraan ng pagbabayad, kailangan mong i-update ang iyong UPI ID. 

Kung nakararanas ka pa rin ng problema, mangyaring tingnan ang Support Article ng Google Play o direktang makipag-ugnayan sa Google Play sa numerong 855-466-4438

Sa Web 

Ang pag-subscribe sa Premium ay kasalukuyang available lamang sa App.

Tandaan: Upang makatulong sa pag-iwas sa pagnanakaw o identity fraud, panatilihing pribado ang impormasyon ng iyong mga card sa lahat ng oras. Hindi kailanman hihingin ng Wattpad ang impormasyon ng iyong credit cards sa pamamagitan ng mga pribadong mensahe.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
7 sa 16 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.