Skip to Content

Pahayag Tungkol Sa Nakaraang Isyu Sa Seguridad (Hulyo 2020)

Aming napag-alaman kamakailan na ang ilan sa aming user data ay maaaring na-access nang walang pahintulot. Maagap namin itong tinugunan upang mapigil at maiayos ang isyu, at patuloy pa namin itong sinusuri katulong ang mga external security expert.

 

Ayon sa pinakahuling pagsisiyasat, lumabas na ang mga sumusunod na uri ng impormasyon ay maaaring nailagay sa kompromiso:

 

  • Email address
  • Petsa ng kapanganakan at kasarian (kung ibinigay)
  • IP address
  • Profile display name
  • Ang pangalan sa account at salted and cryptographically hashed na mga password
  • Ang mga sagot na ibinigay sa mga survey na ipinamahagi noong 2015 o mas maaga
  • Listahan ng Paid Stories at pamagat ng mga kabanata na binili ng isang user
  • Anumang third-party account IDs gaya ng Google o Facebook. Ang mga password na nauugnay sa mga third-party account ay hindi naka-imbak sa aming system at hindi apektado.

 

Kahit na ang password ay kasama sa listahan ng impormasyong maaaring na-access, nais naming bigyang diin na ang Wattpad ay hindi nag-iimbak ng mga plain text password, at ang lahat ng mga password sa Wattpad ay gumagamit ng state-of-the-art encryption technology. Ang mga kwento ng mga user, pribadong mensahe, at mga phone number ay HINDI bahagi ng pangyayaring ito. Dagdag pa rito, aming nasiyasat na hindi kasama o nasangkot dito ang mga impormasyon patungkol sa pananalapi o pagbabayad.

 

Bagaman gumagamit kami ng malakas na encryption upang mag-imbak ng mga password, bilang pag-iingat, inirerekumenda namin na agad ninyong baguhin ang inyong password sa Wattpad, pati na sa ibang mga third-party account kung saan ginagamit ninyo ang parehong password. Narito ang isang link sa aming artikulo sa Help Center upang gabayan kayo sa proseso. Mangyaring tandaan na hindi kailanman hihingiin ng Wattpad ang iyong password maliban sa pag-sign in sa iyong account, at gagawin lamang namin ito sa domain ng Wattpad.

 

Nirerekumenda naming sanayin nating gawin ang password hygiene, tulad ng regular na pagpapalit ng mga password, ang hindi pag-uulit ng iisang password, at paggamit ng password manager. Sa ganitong pamamaraan, mas mababa ang posibilidad na makakuha ang ibang tao ng access sa mga accounts sa mga serbisyong gumagamit ng parehong password.

 

Ang kaligtasan at seguridad ng komunidad ng Wattpad at ang iyong data ay ang aming pinakamataas na priyoridad. Patuloy naming sisiyasatin ang isyung ito kasabay ng pagsusuri ng mga karagdagang hakbang upang mapahusay ang aming mga protocol at pamamaraan sa seguridad.

 

Ang Wattpad Team

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
195 sa 256 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.