Skip to Content

Contemporary Lit FAQ

Bakit hindi ko makita ang Urban tag sa “Browse tags” screen?

Ipinakilala namin ang isang pagbabago sa Wattpad sa pagpalit ng naka-feature na Urban tag sa aming “Browse tags” screen sa Contemporary Lit. Ito ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga stereotype at marginalization ng mga talentadong Black writers sa komunidad ng Wattpad.

Bilang pagpapatuloy, ang aming “Browse tags” screen ay magfi-feature ng Contemporary Lit imbes na Urban. Ang mga manunulat na sumusuporta sa pagbabagong ito ay malayang baguhin ang kanilang mga kuwentong naka-tag ng Urban bilang Contemporary Lit kung nais nilang gawin ito. Ang “Urban” ay patuloy na mahahanap sa Watttpad para sa mga mambabasa at manunulat na nais na patuloy gamitin ito. Ito ay isang maliit na hakbang mula sa amin upang wakasan ang lubos na pag-eendorso ng terminong ito.

 

Paano napagdesiyunan ng Wattpad na palitan ng Contemporary Lit ang Urban?

Napagdesisyunan naming gamitin ang terminong Contemporary Lit upang hayaan ang mga Black writer na mairepresenta ang kanilang mga kontemporaryong kuwento pagkatapos ng mga konsultasyon sa mga Black writer, mga eksperto mula sa BLM Canada, at sa komunidad ng Wattpad. Ang bagong termino ay nagpapahitawag ng panahon habang hindi nagkakaroon ng “othering” sa nilalaman.

 

Maaari pa rin ba akong maghanap ng mga kuwentong naka-tag ng Urban?

Ang “Urban” ay patuloy na mahahanap sa Watttpad para sa mga mambabasa at manunulat na nais na patuloy gamitin ito. Ito ay isang maliit na hakbang mula sa amin upang wakasan ang lubos na pag-eendorso ng terminong ito.

 

Lahat ba ng mga kuwentong naka-tag ng Urban ay awtomatikong mapapalitan ng Contemporary Lit?

Ang aming mga manunulat ay malayang gamitin ang mga tag na nais nila para sa kanilang mga kuwento. Hindi namin awtomatikong ita-tag ang mga Urban na kuwento bilang Contemporary Lit, ngunit ang mga manunulat na nais suportahan ang pagbabagong ito ay maaaring palitan ang mga tag kung nais nila.

 

Dapat ko bang palitan ang tag sa aking kuwento ng Contemporary Lit?

Bilang pagpapatuloy, ang aming “Browse tags” screen ay magfi-feature ng Contemporary Lit imbes na Urban. Ang mga manunulat na sumusuporta sa pagbabagong ito ay malayang baguhin ang kanilang mga kuwentong naka-tag ng Urban bilang Contemporary Lit kung nais nilang gawin ito. Ang “Urban” ay patuloy na mahahanap sa Watttpad para sa mga mambabasa at manunulat na nais na patuloy gamitin ito. 

 

Paano ko mapapalitan ang tag sa aking kuwento?

Sa Wattpad website, i-click ang kuwentong nais mong baguhin ang tag mula sa My Stories dropdown sa Home. Bisitahin ang Story Details tab. Sa parteng pinamagatang Tags, tanggalin ang isang tag sa pamamagitan ng pag-click sa x sa tag, o magdagdag ng bagong tag sa pamamagitan ng pag-type sa space na nakalaan dito at pindutin ang Enter.

Sa Wattpad app, i-tap ang pencil icon sa ibabang bahagi, pagkatapos ay “Edit another story”. I-tap ang kuwentong nais mong palitan ang mga tag. I-tap ang parte ng Tags upang magdagdag o magbawas ng mga tag, pagkatapos ay i-tap ang Save.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 1 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.