Ang pagiging updated sa pinakabagong app version ay makasisiguro na palagi kang may access sa mga bagong feature at bug fixes na aming inilalabas para sa ating komunidad, upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang karanasan sa Wattpad hangga’t maaari. Kung nakararanas ka ng isyu, mainam na palaging siguraduhin na ang iyong app ay up-to-date sapagkat maaaring may solusyon dito sa pinakabagong app version!
Pumili ng platform sa ibaba para sa karagdagang detalye.
Desktop
Kung ang iyong ginagamit ay web browser, automatic ang mga update na naglalaman ng mga pagbabago at fixes mula sa Wattpad. Hindi na kailangan na i-update ito manually.
iOS
I-on ang Automatic Updates
- I-navigate ang iyong iPhone / iPad Settings
- I-tap ang iTunes & App store.
- I-on ang App Updates.
Para mag-update manually
- Buksan ang App Store.
- I-tap ang iyong Apple ID image sa itaas na kanang bahagi.
- Hanapin ang Wattpad, at i-tap ang UPDATE.
Pakatandaan: Kung hindi nakalista ang Wattpad dito, nangangahulugan na ang iyong app ay nasa pinakabagong version na. Mabagal naming inilalabas ang mga bagong app version kung sakaling mayroong mga isyu, kaya’t maaaring umabot ng hanggang isang linggo bago maging available sa iyo ang pinakabagong app update pagkatapos itong ilabas.
Tingnan ang iyong app version
- I-tap ang iyong Profile Picture
- Piliin ang Settings sa itaas na kanang bahagi
- Mag-scroll down sa pahina hanggang sa Version
Android
I-on ang automatic updates
- Buksan ang Google Play Store.
- Gamitin ang search bar para hanapin ang Wattpad.
- I-tap ang tatlong vertical dots sa itaas na kanang bahagi.
- Lagyan ng tsek ang Enable Auto-update.
Tip: Maaari mong i-switch ang automatic updates para sa lahat ng iyong apps. Pumunta sa Settings ng Google Play Store at i-tap ang Auto-update apps. Dito, maaari mong piliin na awtomatikong mag-update lamang kapag nakakonekta sa WiFi upang makatipid sa iyong data.
Para mag-update manually
- Buksan ang Google Play Store.
- Gamitin ang search bar para hanapin ang Wattpad.
- I-tap ang UPDATE.
Tip: kung walang opsyon sa pag-update na available, nasa pinakabagong version ang iyong app. Mabagal naming inilalabas ang mga bagong app version kung sakaling mayroong mga isyu, kaya’t maaaring umabot ng hanggang isang linggo bago maging available sa iyo ang pinakabagong app update pagkatapos itong ilabas.
Tingnan ang iyong app version
- I-tap ang iyong Profile Picture
- Piliin ang Settings sa itaas na kanang bahagi
- Mag-scroll down sa pahina hanggang sa About Wattpad
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.