Skip to Content

Identifier for Advertisers (IDFA) - FAQ

Ano ang IDFA?

Ang Identifier for Advertisers (IDFA) ay ang indibidwal at random na identifier ng Apple upang matukoy at masukat ang aktibidad sa mga iOS user device. Maaari mong isipin ito bilang advertising cookies sa web—pinahihintulutan nito ang advertiser na malaman kapag ang isang user ay gumawa ng hakbang tulad ng pag-click sa kanilang ad o pag-install ng kanilang app. Nakatutulong ito upang ma-customize ang mga ad na nakikita mo, dahil mas nagiging akma ito sa iyong mga nais.

Ano ang mga benepisyo sa pagpapahintulot sa Wattpad na i-access ang aking IDFA?

Sa pagpapahintulot sa Wattpad na i-access ang iyong IDFA, pinatataas mo ang tsansa na mapakita namin sa iyo ang mga ad na mas naaakma sa iyong mga nais—hindi lamang ito magiging mas mabuting karanasan para sa iyo, ngunit magbibigay din ito ng mas higit na revenue impact sa amin!

Tulad ng iyong nalalaman, ang pagpapatakbo ng isang komunidad na kasing-laki at kakaiba tulad ng Wattpad ay nangangailangan ng maraming resources at technical infrastructure. Pinahihintulutan kami ng mga ad na suportahan kami at panatilihing libre ang Wattpad para sa lahat.

Ang pagpapahintulot ko ba sa Wattpad na i-access ang aking IDFA ay magkakaroon ng epekto sa kung ilang mga ads ang makikita ko?

Hindi, walang pagbabagong magaganap sa dami ng ad na iyong makikita kung nakabukas man o nakasara ang iyong IDFA.

Anong impormasyon ang nata-track?

Ang IDFA ay nakapagta-track ng mga pangyayaring may kinalaman sa mga app, tulad ng kapag nag-install ka ng app, at kapag nakipag-ugnay ka sa isang ad.

Bakit ito kinakailangan ngayon?

Habang ang access sa iyong IDFA ay naging default mode sa iOS hanggang sa kasalukuyan, ito ay magiging opsyonal na lamang kapag nailabas na ang iOS 14.

Paano ako makasasali sa IDFA?

Kapag pwede na sa 2021, maaari kang makasali sa IDFA sa pamamagitan ng pagbukas ng Settings app, pagkatapos ay hanapin ang Privacy menu, at pagkatapos ay ang Tracking section. Mangyaring pakatandaan, ang pagsali ay valid lamang sa device na pinahintulutan mo. Kung ikaw ay sumali sa isang iPhone, kailangan mong sumali muli sa iyong iPad.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
4 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.