Habang sinusuportahan ng Wattpad ang pagkamalikhain at pagpapahayag ng mga manunulat sa pamamagitan ng mga kuwentong kanilang ibinabahagi, kami ay nagsisikap na protektahan at respetuhin ang mga copyright ng mga kuwentista sa loob at labas ng aming platform.
Sa Wattpad, mahigpit na ipinagbabawal sa aming mga user ang pag-po-post ng mga copyrighted na akda ng iba nang walang malinaw na legal na pahintulot ng mga ito. Kami ay nakatuon dito sa aming Polisiya sa Copyright na makikita sa aming Terms of Service. Sa pamamagitan nito, hindi pinahihintulutan ng Wattpad ang paglathala ng mga adaptation ng mga umiiral nang mga akda.
Repeat infringers - Bilang karagdagan sa patakaran sa itaas, maaari naming, kung angkop at sa aming paghuhusga, tanggalin ang mga account ng mga user na paulit-ulit na lumalabag o napatawan ng paglabag ng intellectual property rights ng iba. Kung maraming paglabag sa copyright ang isang account, o may matuklasan pang karagdagang paglabag sa ibang araw, isasara ang account. Pakitandaan na ang mga pagkilos ng user ay naka-link sa may-ari ng account, hindi sa (mga) account mismo.
Tandaan: Hindi namin madedetermina kung ang iyong kuwento ay isang paglabag o hindi. Maaari mong tingnan ang aming Copyright FAQ upang matuto nang higit pa tungkol sa copyright sa Wattpad. Kung kailangan mo ng higit pang impormasyon, iminumungkahi naming kumunsulta sa isang abogado. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay lumalabas sa iyong copyright, hinihimok naming maghanap ng propesyonal/legal na payo bago magsumite ng abiso.
Para sa mga tanong tungkol sa paggamit ng mga kasalukuyang gawa tulad ng mga lyrics ng kanta o pagsasalin, at pagkuha ng pahintulot, pakitingnan ang: Maaari ko bang gamitin ang kanilang gawa/kuwento/content?
Mga karaniwang tanong tungkol sa mga adaptation
Ano ang adaptation?
Ang isang adaptation ng kuwento ay isang akda na naka-base, o nagmula, sa isa o higit pang umiiral nang mga akdang naaayon sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA). Ibig sabihin nito, ang orihinal na manunulat/manlilikha ay maaaring mag-adapt o magbigay pahintulot kaninuman na gumawa ng adaptation ng kanilang akda. Ang mga pagsasalin, rewrite, sequel, o transkripsyon ay mga halimbawa ng mga adaptation na nangangailangan ng permiso para mailathala. Para sa iba pang impormasyon at iba pang halimbawa ng mga derivative works, mangyaring tingnan ang infographic na ito mula sa US Copyright Office.
Maaari ba akong mag-post ng kuwento ng ibang may-akda kung papalitan ko ang pangalan/kasarian ng mga pangunahing tauhan?
Hindi. Ang pagpapalit ng pangalan at/o kasarian ng mga pangunahing tauhan ay paglabag pa rin sa copyright ng orihinal na may-akda. Isipin mo na nagpakahirap kang gumawa ng isang interesanteng kuwento na may mga kumplikadong karakter, at ang isang simpleng pagpapalit ng pangalan ay nagbibigay pahintulot sa ibang tao na kopyahin ang kuwentong iyon. Sa tingin namin ay hindi nito nirerespeto ang iyong pagkamalikhain at pag-aari. Hindi kami naniniwalang nanaisin mo rin ito. Ang kahit na anong na-report na kuwento na kumokopya sa isang umiiral nang akda ay ire-review at maaaring tanggalin dahil sa paglabag sa copyright.
Ang pinoprotektahan lamang ng copyright ay ang pisikal na representasyon ng isang ideya, at hindi ang mismong ideya. Sa kasamaang palad, ang mga parehong plot o tema ng kuwento ay maaaring hindi nangangahulugan na ito ay paglabag ng copyright. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay lumabag ng iyong copyright, hinihikayat ka namin na humingi ng propesyonal/legal na payo bago magsumite ng abiso.
Itinataguyod nito ang katibayan ng paglikha na kinakailangan para sa kahit anumang isyu sa copyright na maaaring lumutang. Kung mayroong pagtatalo tungkol sa orihinal na pinanggalingan ng akda, ang registered date ng digital na akda sa Wattpad ay nakapagbibigay suporta sa iyong pag-angkin.
Maaari ba akong maglathala ng adaptation ng ibang kuwento kung lantaran kong ilalagay na ‘hindi ko pagmamay-ari’ ang kuwento? (Hal. pagsasabi ng ‘all rights are reserved’ sa orihinal na may-akda)
Ang mga Wattpad user ay hindi maaaring maglathala ng kuwentong hindi nila pagmamay-ari, maliban na lamang kung mayroon silang malinaw na pahintulot mula sa orihinal na may-akda o may-ari ng copyright. Ang pagbibigay ng credit sa may-akda sa isang adaptation na wala kang pahintulot na ilathala ay isang paglabag ng copyright. Para sa higit pang impormasyon tingnan ang aming artikulo: Mga kuwentong inalis para sa copyright
Nag-post ako ng adaptation at ang account ko ay nabura dahil sa paglabag sa copyright. Maaari bang maibalik ang aking account?
Ang pagtanggal ng mga kuwento, imahe at/o mga account dahil sa paglabag sa copyright ay hindi maibabalik maliban na lamang kung ikaw ay may ebidensyang nagpapakita na mayroon kang pahintulot mula sa may-ari ng copyright na ilathala ang kanilang orihinal na content. Para sa higit pang impormasyon tingnan ang aming artikulo: Mga kuwentong inalis para sa copyright
Bakit inalis ang aking adaptasyon/salin, ngunit hindi ang iba?
Nagsisikap ang Wattpad para tanggalin ang mga paglabag sa copyright nang mabilis at tumpak na paraan sa abot ng aming makakaya, ngunit dahil sa dami ng mga kuwento sa platform, hindi namin makikita ang lahat ng mga paglabag nang hindi ito naire-report sa amin. Kung ikaw ay nakakita ng paglabag ng copyright sa Wattpad, mangyaring huwag isipin na pinahihintulutan namin ang mga ito. Sa halip, i-report ang kuwento para sa paglabag sa copyright. Para sa higit pang impormasyon tingnan ang aming artikulo: Mga kuwentong inalis para sa copyright
May natagpuan akong lumalabag na adaptation. Ano ang dapat kong gawin?
Bilang may-ari ng copyright ng iyong orihinal na akda, mayroon kang karapatang magsumite ng DMCA takedown request sa kahit na anong website na nakita mong may paglabag sa iyong akda, kasama na ang Wattpad. Upang matuto nang higit pa tungkol sa pag-report ng lumalabag na nilalaman, kapwa ang iyong sariling gawa at gawa ng iba, pakitingnan ang aming mga alituntunin at mga pamamaraan sa pag-report sa aming artikulo: Pag-report ng Copyright
Palagi naming inirerekomenda ang pag-save ng kahit na anong orihinal na akdang iyong ginawa sa labas ng Wattpad platform. Sa pagkakataong naisara ang account dahil sa paglabag sa kahit na ano sa aming polisiya, hindi namin ibabalik o ililipat ang story content, na maaaring magsama sa iyong mga orihinal na akda na kasama sa paglabag.
Inirerekomenda rin namin na tingnan ang aming Support Bot kapag naghahanap ng mabilis na sagot! Maaari mong mahanap ang aming bot sa pamamagitan ng pag-click ng icon sa ibabang kanang bahagi ng Help Center (https://support.wattpad.com/hc/en-us), o sa pagtungo sa iyong Settings > Help Center sa app.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.