Kapag ang kuwento o account ay nai-report sa Wattpad, ang aming team ay nagsasagawa ng isang masinsinang imbestigasyon at tinatanggal lamang ang mga content na lumabag sa mga polisiya ng Wattpad. Ang aming moderation process ay hindi nagbago.
Ang desisyon ng Wattpad ay pinal at hindi na maaaring palitan. Mayroon kaming karapatang tanggalin ang anumang content na lumalabag sa mga alituntunin ng Wattpad.
Dahil sa mga polisiya sa privacy, hindi maaaring ibunyag ng Wattpad ang mga detalye ng mga account ng ibang mga miyembro. Mangyaring sabihan ang may-ari ng account/may-akda na direktang makipag-ugnayan sa amin.
Ang pag-marka ng iyong kuwento bilang Mature, o paglalagay ng trigger warning, ay hindi nangangahulugang ang kuwento ay maaari nang magkaroon ng ipinagbabawal na content. Ang mga kuwentong naglalaman ng ipinagbabawal na content ay tatanggalin kahit ano pa man ang kanilang rating.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa Mga Alituntunin sa Nilalaman, Mga Alituntunin sa Pag-uugali, at Tuntunin ng Serbisyo ng Wattpad, mangyaring tingnan ang mga artikulo sa ibaba:
Ang Wattpad ay isang ligtas na espasyo upang mahanap ang iyong komunidad at mga kuwentong mahalaga sa iyo. Mayroon kaming zero-tolerance sa kahit anong klase ng paglabag sa content o pag-uugali sa komunidad.
Mangyaring pakatandaan na ang pagpapasa ng mga maling report sa aming team, o pagpapasa ng maraming pare-parehong mga report, ay maaaring magresulta sa pagre-report o suspensyon ng account.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.