Skip to Content

Nagbubura ba ng mga kuwento ang Wattpad?

Kapag ang isang kuwento o account ay nai-report sa Wattpad, ang aming team ay nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon at magtatanggal lamang ng nilalaman na lumabag sa mga polisiya ng Wattpad. Ang aming proseso sa pagmo-moderate ay hindi nagbago. 

Ang desisyon ng Wattpad ay pinal at hindi na magbabago. Inirereserba namin ang karapatang magtanggal ng nilalaman na lumalabag sa mga alituntunin ng Wattpad

Dahil sa ilang mga polisiya sa privacy, hindi maibabahagi ng Wattpad ang mga detalye ng mga account ng ibang mga miyembro. Mangyaring abisuhan ang may-ari ng account/manunulat na makipag-ugnayan sa amin nang direkta.

Ang pagmamarka ng iyong kuwento bilang Mature, o paglalagay ng trigger warning, ay hindi nangangahulugan na ang kuwentong iyon ay maaari nang magkaroon ng ipinagbabawal na nilalaman. Ang mga kuwentong mayroong ipinagbabawal na nilalaman ay tatanggalin kahit na ano pa ang rating nito.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Mga Alituntuin sa Nilalaman ng Wattpad, Mga Alituntunin sa Pag-uugali, at Tuntunin ng Serbisyo, mangyaring tingnan ang mga artikulo sa ibaba: 

Ang Wattpad ay isang ligtas na lugar upang mahanap ang iyong komunidad at mga kuwentong mahalaga sa iyo. Mayroon kaming zero-tolerance sa kahit na anong klase ng paglabag sa nilalaman o pag-uugali sa komunidad. 

Mangyaring pakatandaan na ang pagsusumite ng mga hindi totoong report sa aming team, o pagsusumite ng maraming pare-parehong mga report, ay maaaring magresulta sa pagre-report o suspensyon ng account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
33 sa 69 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.