Skip to Content

Paggawa at pag-verify ng iyong account

Handa ka na bang sumali sa Wattpad?

May dalawang paraan upang makagawa ng Wattpad account:

  1. Sa isang mobile device, i-download ang app mula sa Google Play o Apple store, pagkatapos ay i-click ang Sign Up.
  2. Sa isang computer o tablet, tumungo sa www.wattpad.com at i-click ang Simulang Magbasa o Simulang Magsulat.

Para sa detalyadong hakbang kung paano gumawa ng account, tingnan ang Paggawa ng account. Maaari kang mag-sign up para sa Wattpad gamit ang iyong Facebook account, Google account, o ang iyong email address, ngunit ang bawat account ay nangangailangan ng valid na email address. Mangyaring gumamit ng email address na may access ka. Inirerekomenda naming huwag gamitin ang iyong school email address, dahil ito ay maglalaho at hindi na maa-access pa kapag ikaw ay naka-graduate na.

Kahit na anumang paraan ang iyong gamitin upang mag-sign up, ikaw ay tatanungin ng ilang mga katanungan upang ma-set up ang iyong account. Huwag mag-alala: kahit na mag-sign up ka bilang manunulat o mambabasa, mayroon ka pa ring mga kagamitan upang makapagbasa at makapagsulat sa Wattpad. Ang mga genre na iyong pipiliin sa panahon ng pag-sign up ay tutukoy sa unang hanay ng mga rekomendasyon na ibibigay namin sa iyo. Pagkatapos nito, ang mga rekomendasyon sa homepage ay magbabago base sa iyong mga nakagawian sa pagbabasa. Bilang resulta, kung ikaw ay magsisimulang magbasa ng iba’t ibang klase ng mga kuwento at mas madalas, ang mga kuwentong mairerekomenda sa iyo ay magbabago.

Kakailanganin mong ibigay ang iyong kaarawan, ngunit hindi naman ito makikita ng iba pang mga user. Para malaman kung ano ang makikita ng iba pang mga user, mangyaring tingnan ang aming artikulo tungkol sa Account Privacy.

Kapag tapos nang mai-set up ang iyong account, hihilingin naming i-verify mo ang email address na naka-link sa iyong account. Ang iyong email ay ang paraan kung paano kami makikipag-usap sa iyo kung may nararanasan kang mga isyu at ito ay mahalaga para sa pag-reset ng iyong password at pagpapalit ng iyong username. Ang pag-verify ng iyong email ay isang mabilis at madaling proseso, at may mga benepisyo sa paggawa nito! Kapag na-verify mo na iyong email, ikaw ay maaari nang:

  • Mag-follow ng ibang user
  • Magpadala ng mga pribadong mensahe
  • Mag-post sa conversation board ng iba pang mga user
  • Maglathala ng kuwento
  • Bumoto sa mga kuwento
  • Mag-post at mag-edit ng iyong profile description
  • Makatanggap ng email notification mula sa amin

Ikaw ay padadalhan ng verification/activation email kapag ikaw ay nag-sign up. Kapag binuksan mo ang email, i-click ang Activate Account. Kung hindi mo makita ang email, tingnan ang iyong junk/spam folders. Kung hindi mo pa rin makita ang email, maaari mong sundan ang mga hakbang sa Pag-verify ng iyong email o account upang mai-send muli ang verification email.

Sa oras na ma-verify na ang iyong email, ikaw ay handa nang magbasa, magsulat, at kumonekta sa Wattpad community. Siguraduhing i-review ang aming Tuntunin ng Serbisyo: lahat ng Wattpadders ay inaasahang susunod sa aming Mga Alintuntunin sa Pag-uugali at Mga Alituntunin sa Nilalaman. Maligayang pagdating, Wattpadder!

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
31 sa 42 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.