Skip to Content

Pag-set up ng iyong profile

Kapag nagawa mo na iyong account at na-verify na ang iyong email, maaari mo nang ayusin ang iyong profile gamit ang description, profile picture, at background picture. Maaari kang maglagay ng description sa iyong profile upang ipaalam sa mga tao ang ilang mga bagay tungkol sa iyo: genre na gusto mo, iyong mga pinagkakaabalahan, gaano katagal ka nang nagsusulat, o kahit ano pa man! Ang mga description ay may sukdulan na 2000 mga karakter na haba. Upang makapaglagay ng description, kailangang na-verify na ang iyong account. Magbasa ng higit pa kung paano maglagay ng iyong profile description sa Pag-eedit ng iyong ‘Tungkol sa Akin’.

Mangyaring iwasang maglagay ng mga link sa iyong profile description. Para sa kaligtasan, ang mga link na nakalagay sa iyong profile description ay awtomatikong kinikilala bilang spam. Kung nais mong idirekta ang iyong mga mambabasa sa iyong personal na website o kahit na anumang importanteng website, maaari kang maglagay ng external link sa “Website” na parte ng iyong account settings.

Ang iyong account ay magsisimula sa isa sa aming mga default na profile picture (mga cute na kuting!). Pinahihintulan ka ng Wattpad na palitan ang iyong profile picture at background image sa kahit na anong panahon bilang paraan ng pag-personalize ng iyong profile at panatilihin itong kaaya-aya.

Bago baguhin ang iyong mga imahe, mangyaring siguraduhin ang mga ito:

  1. Ang Wattpad ay may access sa iyong mga imahe kung ikaw ang gumagamit ng app. Ito ay maaaring ma-verify sa iyong device settings.
  2. Ang file na iyong iuupload ay .jpg o gif file at hindi lumalagpas sa 1MB.
  3. Ang file ay nasa tamang sukat: mahigit kumulang 512x512 pixels para sa mga profile picture at mahigit kumulang 1920x600 pixels para sa mga background image.
  4. Ang napiling imahe ay hindi ipinagbabawal na materyal. Maaari kang makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa mga ipinagbabawal na materyal sa aming Mga Alintuntunin sa Nilalaman.

Upang makapagbasa pa tungkol sa pagpapalit ng iyong profile picture at background image, at kung paano masigurong may access ang Wattpad sa iyong mga imahe, tingnan ang Pagpapalit ng Profile Picture at Pagpapalit ng Background Image.

Bilang pang-wakas, maaari mo ring baguhin ang iyong language settings at maglagay ng lokasyon sa iyong profile.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
11 sa 16 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.