Skip to Content

Pagsusulat at pag-promote ng mga kuwento

Kapag na-verify na ang iyong account, maaari ka nang maglathala ng mga kuwento. Ang pagsusulat sa Wattpad ay maaaring madali o detalyado, depende sa nais mo. Maaaring gumawa ka lang ng kuwento at magdagdag ng mga parte habang tinatapos mo ang mga ito, o di kaya naman ay maaari kang gumawa ng pabalat, maglagay ng inline media at header media sa mga parte ng iyong kuwento, maglagay ng listahan ng mga tauhan o target audience, mag-dedicate ng iyong kuwento, gamit ang story details page upang buuin ang iyong mga ideya, at i-tag ang iyong kuwento upang tulungan ang mga mambabasang hanaping ito. Para sa detalyadong mga hakbang para sa iyong platform, tingnan ang aming mga artikulo sa kategorya para sa Pagsusulat.

Naiintindihan din namin na ang mga Wattpadder ay naglalaan ng oras at pagsisikap sa kanilang mga kuwento. Dahil dito, narito ang ilang mga tip:

  1. Siguraduhin na ang iyong kuwento ay sumusunod sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
  2. Gumawa ng backup ng mga isinulat mo sa labas ng Wattpad upang mayroon kang sariling kopya ng iyong kuwento.
  3. Siguraduhin na ang kahit na anong media sa iyong kuwento ay sumusunod sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman. Ang bawat imaheng nai-upload sa Wattpad, kasama ang mga imahe sa draft, ay dumaraan sa aming proseso ng image moderation.
  4. Siguraduhin na ang iyong email ay na-verify na at up to date: kung wala kang access sa email na naka-link sa iyong account, maaaring kang mawalan ng access sa iyong mga kuwento, kabilang na ang mga draft.

Kapag ang iyong kuwento ay nasa Wattpad na, oras na para ipakita ito sa mundo! Maraming paraan para mai-promote ang iyong kuwento, sa loob man o labas ng Wattpad. Mahahanap mo ang ilan sa mga tip na iyon sa aming artikulong Pag-promote ng iyong kuwento, at maaari ka ring makahanap ng maraming resources sa aming Creator Portal.

Marami pang ibang paraan upang matingnan kung gaano nakipag-ugnay ang iyong mga mambabasa sa iyong kuwento sa Wattpad. Maaari mong tingnan ang bilang ng mga basa, boto, at komentong naka-post sa bawat parte ng iyong kuwento. Maaari kang makakuha ng mas malalim na impormasyon sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong Writer Analytics, na magbibigay sa iyo ng mga detalye tungkol sa demographics ng iyong mga mambabasa pati na rin ng pangkalahatang ideya ng engagement ng iyong kuwento sa nakaraang tatlumpung araw. Ang mga manunulat ay mas makatutuklas ng higit pa sa pamamagitan ng pagbili ng isang Story Insights Report. Ang mga ulat, sa kasalukuyan, ay magagamit lamang ng mga manunulat na nasa United States, Canada, United Kingdom, New Zealand, at Pilipinas.

Siyempre, ang mga mahuhusay na manunulat ay mas gumagaling pa sa pamamagitan ng pagbabasa. Habang nagtatrabaho ka sa sarili mong mga kuwento, tingnan din ang iba pang mga kuwento sa Wattpad. Matuto nang higit pa ng tungkol sa kung paano maghanap sa Wattpad.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
142 sa 173 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.