Skip to Content

Pagkuha ng tulong sa Wattpad

Kung ikaw ay may mga katanungan kung paano gamitin ang Wattpad o kung ikaw ay kinahaharap na isyu, mayroong maraming paraan upang makakuha ng tulong:

Help Center

Kung binabasa mo ito, natagpuan mo na ang aming Help Center, kung kaya’t alam mo na ang isa sa mga paraan upang makakuha ng tulong sa Wattpad. Mayroon kaming mga artikulo sa iba’t ibang mga paksa, kasama na ang kung paano gamitin ang iba’t ibang mga feature at mga balita at update mula sa Wattpad. Ang aming Help Center ay kasalukuyang tina-translate sa Bahasa Indonesian, French, German, Italian, Portuguese, Spanish, at Turkish.

Tingnan ang aming Known Issues page upang makita kung anong mga major bug ang aming inaayos. Kung ikaw ay nakararanas ng isang isyu at hindi mo ito makita sa page ng aming Mga Kilalang Isyu, inirerekomenda naming magsumite ka ng Support request sa Support (tingnan ang mga panuto sa ibaba).

Pumili ng platform para sa iba pang impormasyon kung paano i-access ang Help Center:

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings button
  3. I-tap ang Help & Support
  4. I-tap ang Help Center

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings button
  3. I-tap ang Help & Support
  4. I-tap ang Help Center

Sa Web

Option 1:

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. I-click ang Help

Option 2:

Maaari mong maabot ang Help Center nang direkta sa support.wattpad.com (puwede ring i-bookmark ito para sa hinaharap!).


Pagsusumite ng Support request

Ang pagsusumite ng Support request ang pinakamainam na paraan upang direktang makipag-usap sa miyembro ng aming support team. Isang support agent ang sasagot sa iyong request sa loob ng 24-48 oras. Mangyaring pakatandaan: pinakamainam na makipag-ugnayan sa amin gamit ang email address na naka-link sa iyong Wattpad account. Pagkatapos maisumite ang isang request, maaari mong tingnan ang alinman sa iyong mga nakaraang report o kasalukuyang status ng request.

Kadalasan, ang mga isyu ay may kinalaman sa problema sa cache, at ang pagsunod sa aming mga hakbang sa Pag-troubleshoot ay maaaring makatulong sa agarang pagresolba ng isyu. Mangyaring tingnan ang aming mga artikulo sa pag-troubleshoot at sundin ang mga hakbang na iyon bago magsumite ng request. I-click ito upang matuto kung paano mag-troubleshoot sa aming mga app, at ito naman upang matuto kung paano mag-troubleshoot sa aming website.

Pumili ng platform para sa iba pang impormasyon kung paano magsumite ng Support request:

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings button
  3. I-tap ang Help & Support
  4. I-tap ang Submit a Support Ticket
  5. Kung ang iyong bug ay hindi nakalista sa ilalim ng Known Issues, i-tap ang Hindi nakalista ang aking isyu

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings button
  3. I-tap ang Help & Support
  4. I-tap ang Submit a Support Ticket
  5. Kung ang iyong bug ay hindi nakalista sa ilalim ng Known Issues, i-tap ang Hindi nakalista ang aking isyu

Sa Web

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. I-click ang Help
  3. Kapag nasa Help Center na, buksan ang Known Issues page
  4. Kung ang iyong bug ay hindi nakalista sa ilalim ng Known Issues, i-click ang Makipag-ugnayan sa Amin
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
4 sa 11 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.