Handa ka na bang magbasa? Mayroong dalawang madaling paraan para makahanap ng mga kuwento sa Wattpad, gamit ang iyong homepage o ang search bar.
Ang iyong Wattpad homepage ay nagpapakita ng mga inirekomendang mga kuwento ng ilang mga Wattpadder at mga piling mga kuwento base sa mga kaganapan o trend. Ang mga rekomendasyon sa homepage ay magbabago base sa iyong reading habits. Bilang resulta, kung magsisimula kang magbasa ng iba’t ibang klase ng mga kuwento at mas madalas, ang mga kuwentong inirerekomenda sa iyo ay magbabago.
Maaaring mong i-limit ang mga klase ng kuwentong makikita mo sa iyong homepage. Ang mga Wattpadder 17 taong gulang pataas ay maaaring isama o hindi isama ang mga Mature na kuwento, at ang lahat ng mga Wattpadder ay maaaring mag-block ng mga tag o iwasan ang ilang klase ng mga kuwentong lumabas sa mga rekomendasyon sa iyong Home feed. Upang malaman kung paano mag-block ng mga tag at isama ang mga mature na kuwento, basahin ang Pag-adjust ng iyong content preferences.
Ang homepage ay nagpapakita rin ng mga kuwento mula sa mga Wattpad Creators at mga kuwento galing sa aming Paid Stories program. Ang Creators Program ay dinisenyo upang bigyang-daan ang aming pinaka-engaged na manunulat na mapakinabangan ang mga perk, espesyal na oportunidad, at hands-on na suporta.. Ang Paid Stories ay ang ad-free at mga orihinal na kuwentong pinili ng mga eksperto mula sa Wattpad. Ang Paid Stories program ay ang paraan para kumita ang mga manunulat mula sa kanilang mga akda at para suportahan ng mga mambabasa ang manunulat sa paggawa ng mga kuwentong nagustuhan nila. Ang lahat ng Paid Stories ay mayroong libreng preview chapters upang makapagdesisyon ka kung nais mong gumastos ng coins para dito. Hindi rin nabibilang ang Paid Stories sa iyong offline library slot, kung kaya’t maaari kang magkaroon ng maraming ganitong kuwento offline hangga’t nais mo. Tingnan ang aming Paid Stories FAQ para sa iba pang impormasyon.
Kung nais mo pang tumuklas nang higit pa sa napakalaking koleksyon ng Wattpad ng mga kuwento, ang kailangan mo lamang gawin ay tumungo sa search bar. Dito ka maaaring maghanap ng mga kuwento o manunulat na maaaring narinig mo na gamit ang mga pamagat o username, maghanap gamit ang mga paksa, o maaari kang mag-focus sa paghahanap gamit ang mga tag: Maglagay lamang ng ‘#’ na sign sa unahan ng keyword at ito ay maglalabas ng listahan ng mga kuwentong mayroong tag na ganoon. Maaari kang maglagay ng maraming tag sa isang paghahanap. Maaari ka ring magbukod ng ilang mga tag upang maiwasang makakita ng mga kuwentong hindi ka interesado: upang magbukod ng tag, maglagay ng minus na simbolo bago ang salita (hal. -fanfic, kung ayaw mong makakita ng isang fanfic na kuwento).
Kung ikaw ay nahihirapang mahanap ang isang kuwento, tingnan ang aming artikulo tungkol sa Paghahanap ng isang kuwento.
Kung ikaw ay nakakita ng kuwentong nagustuhan mo, inirerekomenda naming ilagay ito sa iyong account, maaaring sa iyong library, archive, o reading list. Sa ganitong paraan, nakasisiguro kang mahahanap mo ulit ito. Sa halos isang bilyong mga akda sa Wattpad, ayaw naming mawala sa iyong paningin ang isang magandang kuwento! Matuto nang higit pa tungkol sa pagbabasa sa Wattpad.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.