Skip to Content

Pagbabasa ng mga kuwento

Na-verify na ang email? Tapos na. Na-set up na ang profile? Tapos na. Nakahanap na ng mga kuwento? Tapos na. Ngayon, oras na para simulan ang pagbabasa. Ang Wattpad ay nagbibigay ng iba’t ibang paraan upang ayusin ang mga kuwentong iyong natuklasan: iyong library, iyong mga reading list, at iyong archive.

Ang iyong library ay ang ang pinakamainam na paraan upang maging updated sa iyong mga paboritong kuwento at masundan ang lahat ng mga kuwentong interesado ka. Ito ay pribado sa iyong account at hindi makikita ng kahit na sino. Kung nais mong makatanggap ng notification kapag ang isang kuwento ay na-update, siguraduhin na ang kuwentong ito ay nasa iyong library. Matuto kung paano magdadag ng kuwento sa iyong library.

Sa iyong library, maaari kang magkaroon ng bilang sa iyong offline stories. Ang kuwentong ito ay awtomatikong mada-download sa iyong app upang mabasa mo ito kahit na hindi ka konektado sa isang network. Matuto kung paano magdadag ng kuwento para sa offline reading. Ang Wattpad Paid Stories ay hindi nabibilang sa limit ng iyong offline library; maaari kang magkaroon ng maraming Paid Stories offline hangga’t nais mo!

Kung nais mong maiwasang mapuno ang iyong library—tingnan ang aming artikulo tungkol sa Pag-aayos ng iyong library—o para masundan ang mga kuwentong nabasa mo na, inirerekomenda namin ang paggamit ng iyong archive. Maaari mong tingnan ang iyong archive anumang oras. Kung ang isang kuwento sa iyong Archive ay na-update ng manunulat, ang kuwento ay lilipat sa iyong Library, at makatatanggap ka ng notification tungkol sa update.

Ang mag reading list ay isang paraan upang maisapubliko kung ano ang mga binabasa mo, kung anong mga kuwento ang nagustuhan mo, o kung anong mga kuwento ang nasa iyong radar. Ang mga reading list ay makikita sa iyong profile, upang makita ng iba pang mga Wattpadder kung anong mga kuwento ang nandoon. Matuto nang higit pa kung paano gumawa ng isang reading list.

Kapag nakapili ka na ng isang kuwento upang mabasa ito, maaari mong baguhin ang iyong reading settings upang gawing komportable ang iyong pagbabasa. Kung ikaw ay gumagamit ng Wattpad app, maaari mong baguhin ang kulay ng background, font type, sukat, at kulay, katingkaran ng iyong screen, at iba pa. Mangyaring pakatandaan: ang dark mode ay hindi babaguhin ang reading page. Kapag naka-on ang iyong dark mode, kailangan mo pa ring ayusin ang iyong reading settings sa hiwalay na paraan. Mayroon pang ibang mga paraan kung kaya’t tingnan ang artikulong ito tungkol sa reading settings upang matuto nang higit pa!

Isa sa mga perks sa pagbabasa sa Wattpad ay ang pagbabasa kasama ang isang komunidad, kasama na rito ang makakita ng mga komento at reaksyon ng iba pang mga mambabasa. Tumuklas nang higit pa kung paano makipag-ugnayan sa iba pang mga Wattpadder.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
62 sa 78 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.