Ang Wattpad ay hindi lamang koleksyon ng mga kuwento; ito ay isang komunidad na nagsusumikap dahil sa mga nag-uugnayang mga manunulat at mambabasa. Kung ikaw ay naghahanap ng isang komunidad, maraming paraan upang makipag-ugnayan sa iba pang mga Wattpadder. Ngunit bago mo gawin iyon, maglaan muna ng panahon upang tingnan muli ang aming Mga Alituntunin sa Pag-uugali. Sa pagsunod sa aming Mga Alituntunin sa Pag-uugali, tinutulungan mo ang Wattpad na maisakatuparan ang layunin nito na makagawa ng isang ligtas at komportableng espasyo para sa lahat upang makatuklas at makalikha.
Paghahanap ng komunidad
Maraming paraan upang makahanap ng komunidad sa Wattpad. Maraming Wattpaders ang nakabubuo ng samahan dahil sa mga kuwento, pagpo-post ng mga komento hanggang sa makahanap sila ng ibang mga mambabasa at manunulat na gaya nila. Maaari mong mabasa ang mga paraan kung paano makihalubilo sa ibang Wattpadders sa ibaba. Subalit kung ikaw ay naghahanap ng partikular na komunidad, o hindi mo alam kung saan magsisimula, ang aming Ambassadors ay nariyan upang tumulong. Ang mga Ambassador ay isang grupo ng mga Wattpad user na nagboluntaryo kasama ng Wattpad upang suportahan ang komunidad. Tinutulungan nila ang mga user, umaalalay sa pagsasaayos ng mga kuwento, nagpapatakbo ng mga inisyatibo sa komunidad, at napakarami pang iba! Sa Ambassador profile, mahahanap mo ang Community News & Updates na naglalaman ng mga link tungo sa iba pang mga profile na pinatatakbo ng mga Ambassador. Kabilang dito ang mga profile para sa mga partikular na lenggwahe o story genres. Tingnan ang mga profile na ito upang mahanap ang komunidad na pinakaangkop para sa iyo.
Pagkomento
Kung nais mong magbahagi ng iyong mga saloobin tungkol sa isang partikular na parte ng isang kuwento sa manunulat o iba pang mga mambabasa, maaari kang mag-iwan ng komento. Ang bawat komento ay may sukdulan na 2000 mga karakter na haba at walang limit sa bilang ng mga komentong maaari mong iwan. Maaari mong burahin ang anumang komentong iyong pinost, o anumang komentong naka-post sa kuwentong iyong isinulat. Matuto nang higit pa kung paano Mag-post o magbura ng isang komento sa kuwento.
Mayroong dalawang uri ng komento. Ang mga regular na komento ay makikita sa dulo ng isang parte ng kuwento. Ang mga inline na komento ay naka-post sa mga salita sa kuwento—makikita mo ito sa kanang bahagi ng mga salita sa kuwento. Bago ka makakita at makapag-post ng inline na komento, kailangan mong i-on ang inline comments feature sa iyong account. Matuto nang higit pa sa aming artikulo tungkol sa Pagtingin sa mga inline na komento.
Pagboto
Ang pagboto ay isang mainam na paraan upang ipakita sa manunulat ang iyong suporta. Maaari kang bumoto sa kahit na anong parte ng kuwento na iyong binasa, ngunit maaari ka lamang bumoto ng 100 beses sa isang araw. Matuto nang higit pa tungkol sa Pagboto sa isang kuwento.
Reactions
Isa pang paraan upang makipag-ugnayan sa isang kuwento ay ang paggamit ng reactions. Ang reactions ay gumagana tulad ng mga inline na komento: upang makapagbahagi ng isang reaction, pumili ng isang parte na tumatak sa iyo at pumili ng isang sticker na nagpapakita ng iyong nararamdaman tungkol sa parteng iyon. Ang iba pang mga mambabasa ay makikita ang reactions habang sila ay nagbabasa. Magbasa nang higit pa sa aming Reactions FAQ.
Pribadong mensahe
Ikaw ay may kakayahang magpadala ng pribadong mensahe sa iba pang Wattpadder, at ang mensaheng ito ay makikita mo lamang at ng user na ito. Ang iyong mga pribadong mensahe ay makikita sa iyong inbox. Maaari mong burahin ang isang pribadong usapin kahit na anong oras, ngunit pakatandaan: mabubura lamang ito sa iyong parte. Ang isa pang Wattpadder ay maaari pa ring mabasa ang mga lumang mensahe. Matuto nang higit pa tungkol sa Pagpapadala ng mga Pribadong Mensahe.
Mangyaring tandaan: Upang makatulong sa performance ng Wattpad, mayroon lamang bilang ng mga usapin na maaaring manatili sa iyong inbox, pati na rin bilang ng mga mensahe sa pagitan ng mga user. Kapag naabot mo na ang bilang na ito, ang mga lumang mensahe ay awtomatikong mabubura. Kung ikaw o ang sistema ay nagbura ng mga mensahe, hindi kami nagtatabi ng kopya ng mga mensaheng ito kung kaya’t hindi na namin ito maibabalik pa.
Mga Usapan
Ang conversation board ay makikita ng kahit na sinong bumibisita sa iyong profile. Ito ay isang lugar kung saan maaari mong ibahagi ang iyong mga saloobin o makipag-ugnayan sa mga pampublikong usapin. Maaari kang mag-post ng mga mensahe sa iyong sariling board, mag-post sa board ng iba pang Wattpader, o sumagot sa mga mensahe sa mga board. Katulad ng mga komento, ang mga mensahe ay limitado sa 2000 mga karakter.
Ang iyong conversation board ay isa pang mainam na lugar upang magbahagi ng balita sa iyong mga follower. Kapag nagpo-post ng mensahe sa iyong board, mayroon kang opsyon na Ibalita ito sa aking mga followers. Kapag tsinek mo ang ang kahong ito, ang bawat Wattpadder na naka-follow sa iyo ay makatatanggap ng notification tungkol sa iyong bagong mensahe. Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang mag-post ng hanggang sa 3 announcement kada araw. Matuto nang higit pa kung paano Gumawa ng Announcement.
Following
Ang pag-follow sa iba pang mga Wattpadder ay isang mainam na paraan upang makasunod sa kanilang mga aktibidad sa Wattpad. Kapag nag-follow ka ng isang Wattpadder, makatatanggap ka ng mga notification kapag nag-post sila ng announcement o naglathala ng isang bagong kuwento. Maaari kang mag-follow ng hanggang sa 1000 mga user at maaari kang mag-unfollow ng isang user anumang oras.
Nagbibigay-daan din ang pag-follow na makipag-ugnayan ang ibang mga Wattpadder sa iyo. Upang maprotektahan ang ating komunidad sa spam, mayroon kaming limitasyon sa kung ilang unsolicited na mga mensahe ang maaaring maipadala pampubliko man o pribado. Ngunit kapag nag-follow ka ng isang Wattpadder, maaari ka nilang padalhan ng mensahe nang hindi naaabot ang kanilang limit.
Pagbanggit
Pukawin ang atensyon ng iba pang Wattpadder o hikayatin sila sa isang usapan sa pamamagitan ng pagdagdag sa kanila sa isang komento o mensahe, o sa pamamagitan ng pag-mention sa kanila sa isang kuwento. Upang magbanggit ng isang user, i-type ang @ kasunod ang kanilang username (walang pagitan sa gitna).
Kapag ang isang Wattpadder ay nabanggit sa isang komento o sa isang parte ng kuwento, ang kanilang pangalan ay makikita bilang isang link, na magdadala sa kanilang Wattpad profile. Makatatanggap sila ng isang notification na binanggit mo sila. Makatatanggap din sila ng mga notification sa bawat sagot sa komentong nabanggit sila.
Mute
Habang hinihikayat namin ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa Wattpad, maaari kang makakita ng mga Wattpadder na hindi ka interesadong makipag-ugnayan. Ang Wattpad ay mayroong mute button na matatagpuan sa bawat profile ng user at maaaring gamitin upang maiwasan ang usapan sa pagitan mo at ng taong iyon. Ang pag-mute sa isang taong naka-follow sa iyo ay magtatanggal sa kanila sa iyong listahan ng mga follower. Tingnan ang aming Mute FAQ para sa iba pang impormasyon.
Maaaring nai-mute ka ng iba kung hindi mo makita ang profile nito, makapagpadala ng mensahe sa inbox, makapagsulat sa message board ng kanilang profile, o makapag-iwan ng mga komento sa kanilang mga kuwento. Kung naniniwala kang nai-mute ka ng iba, hinihiling naming respetuhin ninyo ang kanilang desisyon. At pakatandaan: lahat ng mga Wattpadder ay inaasahang sumunod sa aming Mga Alituntunin sa Pag-uugali.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.