Ang bawat kuwento ay kakaiba, at upang maipakita ito, makatutulong na paglaruan ang iba’t ibang istilo ng font at alignment upang gawing mas personal ang iyong kuwento.
Sa writing page, maaari kang:
- Magdagdag ng bold, italics, at pag-underline
- I-align ang iyong text sa kanan, kaliwa, o gitna
Mangyaring pakatandaan na hindi lahat ng mga font ay sinusuportahan ang italics. Para sa listahan ng mga font na ito, mangyaring tingnan ang aming artikulo: Mga font na hindi sinusuportahan ang italics
Habang hindi posible na magpalit ng mga font habang isinusulat mo ang iyong kuwento, ang iyong mga mambabasa ay maaaring basahin ang iyong kuwento gamit ang kung anumang nais nilang font sa pamamagitan ng pagbago nito sa kanilang Mga setting sa pagbabasa.
Kung nais mong makita kung ano ang itsura ng iyong kuwento sa perspektibo ng isang mambabasa, maaari mong gamitin ang View as Reader feature.
Tandaan: Kung kinokopya mo ang iyong akda mula sa ibang source patungong Wattpad, maaari kang makaranas ng ilang isyu sa pag-format katulad ng hindi pananatili ng text alignment. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring tingnan ang aming artikulo: Problema sa pagkopya at pag-paste ng iyong akda sa Wattpad
Sa Android at iOS
- Piliin ang parte ng text na nais mong i-format sa pamamagitan ng pag-press at pag-hold dito.
- I-tap ang Formatting icon upang i-prompt ang toolbar.
- Piliin ang isa sa mga opsyon sa pag-format sa pamamagitan ng pag-tap dito.
Sa Web
- I-double click ang parte ng text na nais mong i-format upang i-prompt ang toolbar.
- Piliin ang isa sa mga opsyon sa pag-format sa pamamagitan ng pag-click dito.
Mga Tip:
- Pindutin ang Shift + Enter upang makalikha ng line break nang hindi lumilikha ng bagong talata.
- Gamitin mga keyboard shortcut para sa pag-format ng maraming talata:
- Bold: Ctrl + B (Windows); Cmd + B (Mac)
- Italics: Ctrl + i (Windows); Cmd + i (Mac)
- Underline text: Ctrl + U (Windows); Cmd + U (Mac)
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.