Skip to Content

General Data Protection Regulation (GDPR) and OneTrust

Ang mga Wattpadder sa European Economic Area at United Kingdom ay makakikita ng popup na magpapahintulot sa kanila na i-manage ang kanilang data preferences na nauugnay sa mga ad sa Wattpad. Ito ay bahagi ng General Data Protection Regulation (GDPR), na maaaring pamilyar na sa iyo. Ang GDPR ay isang legal structure na nagtatakda ng mga alituntunin para sa koleksyon at pagproseso ng personal na impormasyon mula sa mga indibidwal na naninirahan sa European Economic Area at United Kingdom.

Sa kasalukuyan, ang Wattpad ay hindi nagbabahagi ng data sa mga third party. Ang popup na ito ay nanghihingi ng iyong pahintulot sa pagbabahagi ng data sa mga third party. Makikita mo ang halimbawa nito sa ibaba:

OneTrust_messaging.png

Ang OneTrust ay isang kompanyang nakikipagtrabaho sa Wattpad hinggil sa bagay na ito. Ang OneTrust ay isang tool na aming ginagamit upang kumolekta at mag-manage ng pagpapahintulot; sila ang nasa likod ng popup na iyong nakikita. Makatitiyak ka na ang OneTrust ay isang mapagkakatiwalaang aplikasyon at ginagamit ng maraming mga kompanya upang mag-manage ng data at karanasan sa pagpapahintulot.

Ang pag-click sa “I accept” ay nangangahulugang nagbibigay ka ng pahintulot sa Wattpad na ibahagi ang iyong data sa aming third-party advertising partners, na makatutulong sa amin na magbigay sa iyo ng mga ad na mas may kaugnayan sa iyo at sa iyong mga kagustuhan. Maaari mo ring i-customize ang iyong consent preferences sa pamamagitan ng pag-click sa “show purposes”.

Kung ita-tap mo ang List of Partners (vendors), makikita mo ang listahan ng mga partner na nakipagtatrabaho sa OneTrust, at maaari mong piliin kung pahihintulutan mo o hindi ang mga partner na ito na maka-access mula sa OneTrust.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
8 sa 12 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.