Skip to Content

FAQ sa Pag-like ng mga Reading List

Interesado sa kung ano ang binabasa ng iyong kapwa Wattpadder? Ang pag-like ng mga reading list ay nagbibigay-daan sa iyo upang ipakita ang pagpapahalaga sa iba pang mga Wattpadder at madaling bisitahin muli ang kanilang mga reading list kapag naghahanap ka ng iyong susunod na babasahin. 

Paano ko ila-like ang isang reading list?

I-tap o i-click ang heart button sa itaas na kanand bahagi ng isang reading list. 

Saan ko mahahanap ang mga reading list na aking ni-like?

Mahahanap mo ang lahat ng mga reading list na iyong ni-like sa pamamagitan ng pagbukas ng iyong Library, pagpili ng Reading List tab, at pagbukas ng "Mga ni-like na reading list."

Paano ko tatanggalin ang isang list sa aking mga ni-like na reading list? 

Buksan ang reading list at muling i-tap o i-click ang puso para i-unlike ang isang reading list. Kapag ang puso ay naging transparent muli, ang iyong pag-like ay natanggal at ang reading list ay tinanggal na mula sa iyong mga ni-like na reading list. 

Nakapubliko ba ang aking mga ni-like na reading list?

Wala nang ibang makakakita kung aling mga reading list ang ni-like mo. 

May makakakita ba kung sino ang nag-like sa isang reading list o ang mga ito ay mananatiling anonymous?

Sa ngayon, lahat ng mga like ay magiging anonymous. 

Malalaman ba ng may gawa ng reading list na ni-like ko ito? 

Makikita ng may gawa ng reading list ang bilang ng mga nag-like, ngunit hindi nila malalaman ang mga username ng kahit na sinong nag-like ng kanilang reading list. Hindi rin sila mano-notify sa bagong pag-like ng kanilang reading list. 

Mano-notify ba ako kapag may nag-like ng aking reading list?

Hindi, walang notification para sa pag-like ng reading list sa ngayon. Kung ila-like ng isa pang Wattpadder ang iyong reading list, hindi ka makakukuha ng notification sa iyong feed, sa iyong email, o sa iyong device. 

May aksidente akong na-like na reading list, paano ko ito 'i-a-unlike'?

Muling i-tap or i-click ang puso para ma-unlike ang reading list. Kapag naging transparent na ulit ang puso, ang iyong pag-like ay natanggal na. 

Maaari ko bang i-like ang aking sariling reading list?

Maaari mong i-like ang iyong sariling reading list, at mase-save ito sa iyong Na-like na mga reading list.

Maaari bang makapag-like ng aking reading list ang user na na-mute o na-block ko?

Hindi, ang mga na-mute o na-block na user ay hindi maaaring makapag-like ng iyong reading list.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
5 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.