Skip to Content

Pagbili at pagbabasa ng Paid Stories

Ang Paid Stories program ay isang paraan para kumita ng pera ang mga manunulat dahil sa kanilang mga akda at para masuportahan ng mga mambabasa ang mga manunulat sa pagbuo ng mga kuwentong minahal nila. Palaging sinusuportahan ng komunidad ng Wattpad ang mga manunulat sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga akda, pagbabahagi ng paborito nilang mga kuwento, at pag-cheer sa mga manunulat sa pamamagitan ng mga komento at boto. Ngayon, maaari nang ipakita ng mga mambabasa ang kanilang pagsuporta sa karera ng mga manunulat sa pamamagitan ng pagbabayad upang mabasa ang kanilang mga akda. Binibigyan nito ang mga manunulat ng oportunidad na magkaroon pa ng maraming oras para bumuo ng magagandang kuwento. Ang Paid Stories ay kasalukuyang available sa English, Filipino, French, Spanish, German, at Indonesian.

Ang lahat ng Paid Stories ay mayroong libreng preview chapters upang matulungan kang makapagdesisyon kung gusto mong gumastos ng coins para dito. Mangyaring pakatandaan na ang lahat ng Paid Stories ay magkakaiba ang haba at ang ilan ay nangangailangan ng mas maraming coins upang tuluyang mabuksan o ma-unlock. Kapag nag-unlock ka ng mga kuwento gamit ang Coins, direkta mong sinusuportahan ang mga manunulat para maipagpatuloy nila ang pagsusulat ng mga kuwento.

Matuto nang higit pa tungkol sa programa rito.

Narito ang ilang paraan upang mag-unlock ng Paid Stories:

Pagbili ng coins

Para bumili ng coins, kailangan mong pindutin ang iyong wallet at buksan ang coin shop. Maaari mong buksan ang iyong wallet sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong profile at pag-click sa Coin button. Upang makabili ng coins, kailangan mo ng App Store o Google Play account. Hindi pa available ang pagbili ng Coin pack sa Web version ng Wattpad pero sa oras na mayroon ka ng coins sa iyong wallet, maaari mo nang ma-unlock ang mga kuwento sa web.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagbili ng coins dito.

Pag-earn ng coins

Maaari kang kumita o mag-earn ng coins sa pamamagitan ng panonood ng video ads. Ang feature na ito ay available lamang sa ilang bansa. Tingnan ang kumpletong listahan ng mga eligible na bansa at matutuo nang higit pa tungkol sa pag-earn ng coins dito.

Premium+

Ang Premium+ ay may kasamang limitadong bilang ng Paid Stories depende sa Premium+ subscription na iyong pinili. Matuto nang higit pa tungkol sa Premium+ at kung paano gamitin ang unlocks na kabilang sa iyong subskripsyon dito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1 sa 1 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.