Ang Wattpad ay isang espasyo upang mahanap ang iyong komunidad at ang mga kuwentong mahalaga sa iyo. Mayroon kaming zero-tolerance policy sa kahit na anong uri ng paglabag sa nilalaman o pag-uugali sa komunidad.
Ang mga desisyon ng Wattpad ay pinal. Mayroon kaming karapatang tanggalin ang anumang content o account na lumalabag sa mga polisiya ng Wattpad. Hindi namin inililipat o ibinabalik ang mga content/account na natanggal dahil sa paglabag ng mga alituntunin sa Wattpad.
Spam:
Ang Wattpad ay para lamang sa iyong personal at hindi komersyal na paggamit. Huwag magbenta ng access sa kahit na anong Site o Serbisyo sa kahit na anong paraan. Huwag gamitin ang Site o Mga Serbisyo para sa layuning mag-alok ng kahit na anong paninda o serbisyo.
Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa, ang pagpapadala ng maramihang hindi gustong mga mensahe/komento sa ibang mga user.
Maaari mong i-alok ang pagbebenta ng iyong content sa e-book o nailimbag na libro sa mga third-party platforms o bookstores sa iyong profile, ngunit kung ang buong kuwento ay hindi matatagpuan sa aming Platform, dapat ay ipaalam mo ito sa introduksyon o sa Story Description.
Poaching:
Huwag gamitin ang Site, content o Mga Serbisyo na maaaring magkaroon ng epekto ng pakikipagkumpitensya o pag-alis ng merkado para sa Wattpad, sa Site, o sa Mga Serbisyo. Huwag makipag-ugnayan sa ibang mga user para sa layuning dalhin sila paalis ng platform. Huwag mag-solicit sa ibang mga user sa ngalan ng ibang mga negosyo/kompanya.
Kung ikaw ay na-contact ng isang third party company, mangyaring tingnan ang Creator Portal ng Wattpad para sa iba pang impormasyon. Kung nakatanggap ka man nga mga ganitong mensahe, mangyaring i-report ang mga ito sa Wattpad dito.
Panggagaya:
Ang Wattpad ay isang espasyo kung saan maaari kang maging ikaw, kung kaya’t huwag linlangin ang iba sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang iba. Huwag magpanggap bilang Wattpad, Wattpad Staff, mga Ambassador, mga Star, mga public figure, mga Brand o iba pa. Pakatandaan na ang mga Wattpad staff at Ambassador ay mayroong mga beripikadong badge sa kanilang profile. Para sa iba pang impormasyon sa mga badge, at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, mangyaring tingnan ang Mga Badge at Simbolo ng mga Profile.
Mangyaring pakatandaan, hindi namin kailanman itatanong sa iyo ang iyong password o impormasyon sa bangko. Maaari kang makahanap ng iba pang impormasyon dito.
Hindi mo maaaring kopyahin o i-adapt ang aming mga logo nang walang malinaw na kasulatan ng pagpapahintulot mula sa Wattpad o tulad ng itinakda sa sugnay na ito. Hindi mo maaaring gamitin ang aming logo o trademark sa kahit na anong paraan, kasama na rito ang mga paggamit na maaaring magmungkahi na ineendorso ng Wattpad ang isang partikular na produkto o serbisyo, o mayroon kang business relationship sa Wattpad.
Pagpapalitan ng Pera
Mga Giveaway at Premyo na inorganisa ng isang User:
Ang mga giveaway na inorganisa ng isang user ay hindi maaaring pera o anumang pisikal na bagay. Ang mga naaangkop lang na premyo ay ang mga sumusunod: Pag-follow, Pagbabasa o Digital Gifts. Para sa mga giveaway na inorganisa ng isang user, dapat na malinaw na sabihin ng mga host na walang kaugnayan ang Wattpad sa nasabing giveaway at ganap na inilalabas ng mga host ang Wattpad mula sa lahat ng pananagutan kaugnay ng giveaway.
Mariin na inirerekomenda ng Wattpad sa mga user na huwag magbahagi ng personal na impormasyon sa iba pang mga user.
Mga Paligsahan na katuwang ang Wattpad:
Ang Wattpad ay regular na nag-oorganisa ng mga paligsahan tulad ng The Wattys at iba pang mga paligsahan kung saan ang mga premyo ay maaaring pera o anumang pisikal na bagay. Para sa karagdagang impormasyon sa mga paligsahan na ito, mangyaring bisitahin ang pahinang ito. Ang mga taong may koneksyon sa Wattpad ay nag-aayos din ng mga paligsahan at giveaway.
Ang mga paligsahan na ito ay madaling maihiwalay mula sa iba pang mga paligsahan dahil sila ay palaging nasa opisyal na mga account na may Badge na nagpapakilala sa kanilang kaugnayan sa Wattpad. Basahin ang artikulo tungkol sa mga Badgedito.
Pagtanggap ng Bayad:
Nakikipagtulungan ang Wattpad sa ilang mga creator upang maglagay ng paywall sa kanilang mga content. Walang sinuman ang maaaring humingi o humiling ng bayad para sa content o mga serbisyo sa Wattpad maliban sa pamamagitan ng mga opisyal na tool na ibinibigay ng Wattpad.
Pinapayagan ang mga user na mag-link ng mga third-party site kung saan maaari silang tumanggap ng pera, ngunit hindi maaaring mandatory ang pagbabayad upang ma-access ng iba ang content o mga serbisyo.
Paglalabas ng Personal ng Impormasyon:
Ang pag-uugali na naglalagay sa isang user sa kapahamakan tulad ng pagsisiwalat ng personal na impormasyon ng pagkakakilanlan tungkol sa ibang tao, pagbabahagi ng imahe nang walang pahintulot, isang buong pangalan kasama ang address, email address, numero ng telepono o pribadong mensahe sa Wattpad ay hindi pinahihintulutan.
Katulad nito, matindi naming ipinapayo sa mga user na huwag magbahagi ng mga password, pinansyal at/o detalye sa bangko. Hindi mo kailanman dapat ibahagi ang iyong sariling impormasyon. Kung pinili mong ibahagi ang iyong impormasyon, gawin mo ito sa iyong sariling kapanganiban.
Para sa iba pang impormasyon ukol sa pagbabahagi ng personal na impormasyon, mangyaring tingnan ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.