Skip to Content

Pag-block ng user

Ang block button ay nakalagay sa bawat profile ng mga user. Maaari itong gamitin upang i-disable ang komunikasyon sa pagitan mo at ng isang tao, at para hindi makita ng user na ito ang iyong profile o mabasa ang iyong mga kuwento. Kung nakatatanggap ka ng hindi kanais-nais na mga mensahe, komento, o follow mula sa ibang Wattpadder, maaari mo silang i-block.

Paano mag-block o mag-unblock ng isang user?

Sa iOS

  1. Bisitahin ang profile page ng user na nais mong i-block.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng screen: ‘...’
  3. Lilitaw ang isang drop-down menu. I-tap ang Block o Unblock.

Sa Android

  1. Bisitahin ang profile page ng user na nais mong i-block.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng screen.
  3. Lilitaw ang isang drop-down menu. I-tap ang Block o Unblock.

Sa Web

  1. Bisitahin ang profile page ng user na nais mong i-block.
  2. Sa kanang bahagi ng ‘Follow’ button mayroong tatlong tuldok: ‘...’. Ang pagpindot sa mga ito ay magbubukas ng isang drop-down menu.
  3. I-click ang Block o Unblock.

Ano’ng mangyayari kapag nag-block ako ng user?

Kapag nag-block ka ng user:

  • Hindi sila makapagpo-post o reply sa mga post sa iyong mga usapan
  • Hindi nila mababasa ang iyong mga kuwento o makapag-iiwan ng komento sa iyong mga kuwento.
  • Hindi ka nila mapa-follow, at kung pina-follow ka man nila, matatanggal sila sa listahan ng iyong mga follower.
  • Hindi nila makikita ang iyong profile.
  • Hindi nila mababasa ang iyong mga komento sa kahit anong kuwento, at hindi mo rin mababasa ang kanilang mga komento sa kahit anong kuwento. Kabilang na rito ang kahit anong komento ninyo noon at sa hinaharap.
  • Habang naka-block, hindi ka rin maaaring makipag-ugnayan sa kanila gamit ang mga pamamaraan na ito, makita ang kanilang buong profile, o mabasa ang kanilang mga kuwento.

Kasalukuyan naming pinagbubuti ang pagpapalawak ng block function at iba pang mga tool para matulungan ang mga user na mapanatiling ligtas ang kanilang sarili.

Kapag nag-block ako ng user, mano-notify ba sila?

Hindi, ‘di sila direktang mano-notify. Kung susubukan nilang tingnan ang iyong profile o makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng mga pamamaraan na nakalista sa itaas, isang mensahe ang lilitaw na nagsasabing hindi sila maaaring makipag-ugnayan sa iyo. Ito rin ang parehong mensahe na makikita mo tuwing titingnan mo ang profile ng isang user na isinara ang kanilang account. Kung ang user na iyong na-block ay makikipag-ugnayan sa Wattpad, hindi kukumpirmahin ng Wattpad ang iyong pag-block sa kanila.

Paano ko makikita kung aling mga account ang aking na-block?

Upang makita ang listahan ng mga account na iyong na-block, buksan ang settings ng iyong account at piliin ang Mga Naka-block na Account.

Na-block ko na ang user, pero ginagambala pa rin nila ako.

May kapangyarihan ang mga Wattpadder na gamitin ang block function upang limitahan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang mga user. Ang block function ay maaaring gamitin upang pahintuin ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang Wattpadder.

Kung na-block mo na ang user, ngunit nakahahanap pa rin sila ng paraan upang galitin at gambalain ka, maaari mo silang i-report sa pamamagitan ng pagsusumite ng request sa www.wattpad.com/help. Mangyaring tingnan ang Wattpad Safety Portal para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagharap sa harassment at bullying.

Paano ko malalaman kung ako ay na-block?

Maaaring na-block ka ng isang user kung hindi mo makita ang kanilang profile, hindi sila mapadalhan ng mensahe sa inbox, o mabasa o makapagkomento sa kanilang mga kuwento. Kung kumbinsido ka na ikaw ay na-block ng isang user, hinihiling namin na igalang mo ang kanilang desisyon at huwag nang subukan na makipag-ugnayan sa kanila gamit ang iba pang account o sa labas ng Wattpad. Hindi namin maaaring alisin ang pagka-block sa iyo o kausapin ang user ukol sa isyu na ito.

Para sa iba pang impormasyon sa kung anong pag-uugali ang iminumungkahi sa komunidad, mangyaring basahin ang Mga Altituntunin sa Pag-uugali.

Ano’ng pinagkaiba ng block sa mute?

Ang mute ay pumipigil sa lahat ng pakikipag-ugnayan sa pagitan mo at ng isang na-mute na user. Magbasa kung paano gumagana ang mute sa artikulong ito.

Ang block ay pumipigil sa lahat ng pakikipag-ugnayan sa pagitan mo at ng isang na-block na user, at pinipigilan din nito ang isang na-block na user na mabasa ang iyong mga kuwento.

Maaari ko bang parehong i-block at i-mute ang isang user?

Oo! Ngunit kapag iba-block mo ang isang user, hindi na rin maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang user na ito. Maaaring ituring ang pag-block bilang pinakamabisang safety control para sa mga user.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
52 sa 62 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.