Skip to Content

Pagpapalit ng iyong pangalan

Kapag gumawa ka ng account sa Wattpad, magkakaroon ka ng username at pangalan. Maaaring tukuyin ang pangalan bilang display name, buong pangalan, o pangalan, depende sa platform na iyong ginagamit.

Ang username ay ang kumikilala sa iyong account. Sa iyong profile, makikita ito na may @ sa unahan nito. Narito ang ilan sa mga gamit ng iyong username:

  • Upang hanapin ang iyong profile o mga kuwentong iyong isinulat sa Wattpad
  • Upang ma-tag ka sa komento
  • Upang makapag-dedicate ng kuwento sa iyo
  • Upang mag-log in sa iyong account

Ang mga username ay natatangi, kaya walang dalawang user ang may magkaparehong username. Matuto nang higit pa tungkol sa pagpapalit ng iyong username.

Ang iyong display name (o buong pangalan, o pangalan) ay makikita lamang sa iyong profile.

Ang iyong display name (o buong pangalan, o pangalan) ay makikita lamang sa iyong profile. Nakikita ang iyong display name sa itaas ng iyong username at hindi ito nagsisimula sa @ na simbolo. Hindi ito kinakailangang maging natatangi lamang sa iyo at maaaring magkaroon ng mga espasyo o espesyal na mga karakter. Hindi ito maaaring gamitin upang hanapin ang iyong profile, ma-tag ka, mag-dedicate ng kuwento sa iyo, o mag-log in. 

Alamin kung paano palitan ang iyong display name sa pamamagitan ng pagpili ng platform na iyong ginagamit:

Sa iOS

  1. Magtungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang  Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Edit Profile
  4. I-on ang Show Display Name
  5. Ilagay ang iyong pangalan sa patlang sa itaas
  6. Ang iyong pangalan ang makikita sa ilalim ng iyong profile picture sa iyong profile

Sa Android

  1. Magtungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang Full Name
  5. Ilagay ang iyong bagong pangalan 
  6. I-tap ang Change
  7. Ang iyong pangalan ang makikita sa ilalim ng iyong profile picture sa iyong profile

Sa Web

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi ng iyong screen
  2. Piliin ang Settings mula sa drop-down menu 
  3. I-type ang iyong bagong pangalan sa patlang sa gilid ng Pangalan
  4. I-check ang kahon sa tabi ng Ipakita ang pangalan
  5. I-click ang Isumite
  6. Ang iyong pangalan ang makikita sa ilalim ng iyong profile picture sa iyong profile
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
33 sa 87 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.