Ano ang Exclusive Chapters?
Ang Exclusive Chapters ay extension ng iyong paboritong mga kuwento mula sa iyong minamahal na mga manunulat, upang mas pahabain ang iyong pagkahumaling sa mga kuwentong hindi mo maibaba. Ang Exclusive Chapters ay maaaring maging prequel/sequels, extension ng plot, pagtuklas ng buhay ng isang pangalawang tauhan, ang Exclusuve Chapters ay maghahatid sa iyo ng walang katapusan na kaligayahan mula sa mga manunulat, mundo, at mga tauhan na kilala mo na at minamahal.
Paano i-unlock ang Exclusive Chapters?
Maaari mong i-unlock ang Exclusive Chapters gamit ang Wattpad Coins. Mag-tap ng kuwento at mag-scroll down upang makita kung available ang Exclusive Chapters. Maaari mong malaman kung tungkol saan ang kabanata, makita ang isang note mula sa manunulat, maging ang presyo nito sa Coins.
I-tap ang “Basahin ito ngayon” para ma-unlock ang kabanata. Kung wala kang sapat na Coins, ikaw ay madadala sa Coin shop upang bumili ng Coin Pack na iyong mapipili, pagkatapos ay maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-unlock at pagbabasa ng kabanata.
Maaari ka ring makapag-top up sa iyong wallet sa pamamagitan ng pag-tap sa Coin balance sa iyong Wattpad Profile para mabisita ang Coin shop at makabili ng Coin pack na iyong mapipili.
Maaari ba akong mag-unlock ng Exclusive Chapters gamit ang Wattpad Premium+ subscription?
Ang Exclusive Chapters ay hindi bahagi ng Paid Stories program, kung kaya’t hindi ito ma-a-unlock gamit ang isang Wattpad Premium+ subscription. Upang tumingin ng mga Paid Story na puwedeng ma-unlock gamit ang Premium+, bisitahin ang @PaidStories profile sa Wattpad.
Maaari ba akong magbasa ng Exclusive Chapters sa aking mobile device at sa web?
Ang Exclusive Chapters ay maaaring mabasa kahit saan mo pa man gamitin ang Wattpad, kabilang ang Wattpad app sa iyong iOS o Android device at sa wattpad.com.
Sa oras na i-unlock ko ang Exclusive Chapters, maaari ko ba silang mabasa muli kailan ko gusto?
Oo, sa oras na unlocked na, maaari mong basahin ang Exclusive Chapters kailan mo man gustuhin. Idagdag ang mga kuwentong may Exclusive Chapters sa iyong Library upang madali silang mabalikan at upang ma-notify tuwing may bagong kabanata na na-publish.
Paano nasusuportahan ng Exclusive Chapters ang mga manunulat?
Ang Exclusive Chapters ay isa pang paraan upang regaluhan ang mga manunulat para sa kanilang talento at upang mapalago ang mga fanbase para sa kanilang mga kuwento. Sa tuwing mag-a-unlock ka ng Exclusive Chapter, direkta mong sinusuportahan ang iyong paboritong mga manunulat at tinutulungan mo silang bumuo ng karera sa Wattpad habang ginagawa nila ang gusto nila.
Ano ang pinagkaiba ng Exclusive Chapter at Paid Story?
Ang Paid Stories program ay hinahayaan ang mga manunulat na pinansyal na masuportahan gamit ang kanilang mga kuwento. Sa Paid Stories, may limitadong bilang ng libreng parte, at ang naiwang bahagi ng kuwento ay maaari ma-unlock upang mabasa gamit ang Wattpad Coins o isang Wattpad Premium+ subscription. Sa Paid Stories, kumikita ang mga manunulat piliin mo mang mag-unlock ng ilang parte ng kuwento o ang kabuohan nito.
Ang Exclusive Chapters ay binibigyan ang mga mambabasa ng bagong nilalaman upang manatiling nahuhumaling sa mga mundo at tauhan ng kanilang paboritong mga libreng kuwento. Sa ibang salita, ang pinakasentrong balangkas ng kuwento ay maaaring mabasa nang libre, kasama ang may bayad na Exclusive Chapters para sa mga fan na ayaw matapos ang kuwento.
Saan ko maaaring mahanap ang lahat ng kuwentong may Exclusive Chapters?
Ang mga kuwento na may Exclusive Chapters ay may badge sa kanilang cover upang maging tanda na may karagdagan pang kuwento. Kung ang mga manunulat na iyong pina-follow ay maglathala ng Exclusive Chapters, o ang mga kuwento sa iyong Library ay magkaroon ng Exclusive Chapter na update, makatatanggap ka ng notification.
Paano ako makapagbabahagi ng feedback sa mga manunulat tungkol sa kung ano ang gusto kong mabasa sa kanilang Exclusive Chapter?
Maaari mong ipahayag ang iyong suporta at ibigay ang iyong feedback sa mga manunulat gamit ang Reaction stickers at mga komento. Ang mga mambabasa ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa mga manunulat sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa message board o sa inbox ng mga ito.
Paano ko malalaman kung tungkol saan ang mga Exclusive Chapters?
Ang mga manunulat ay maglalagay ng maikling deskripsyon upang ipaalam sa iyo kung ano ang iyong maaaring asahan sa kanilang Exclusive Chapter. Ang nilalaman ay maaaring isang prequel/sequel, isang spin-off para sa mga pangalawang tauhan na iyong paborito, plot extensions, at marami pang iba.
Sa anong mga lengguwahe mababasa ang Exclusive Chapters?
Ang Exclusive Chapters ay kasalukyang mababasa lamang sa mga kuwentong nakasulat sa Ingles. Habang pinag-aaralan pa namin kung paano nakikipag-ugnayan ang mga mambabasa sa mga kabanatang ito, maaari naming tingnan ang posibilidad ng pagpapalawak ng feature na ito sa iba pang mga lengguwahe.
Paano ako makapaglalagay ng Exclusive Chapters sa aking kuwento?
Bilang ito ay isang bagong feature sa Wattpad, inilulunsad namin ito sa maliit na grupo ng mga manunulat at palalawakin sa mas marami pa sa mga susunod na buwan. Umaasa kami na magugustuhan ng mga mambabasa ang bagong paraan na ito upang manatiling aktibo sa kanilang mga paboritong kuwento at para magkaroon ang mga manunulat ng bagong paraan upang pagtibayin ang kanilang karera sa Wattpad. Upang manatiling updated sa mga bagong oportunidad para sa iyo at iyong mga kuwento, mag-sign up sa Creators newsletter dito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.