Noong nag-sign up ka sa Wattpad, pumili ka ng ilang genre na interesado kang basahin. Dinisenyo ito para gawing customized ang iyong hompepage sa simula ng iyong paglalakbay sa Wattpad. Makikita mo ang mga inirerekomendang kuwento base sa mga genre na iyong pinili nang mag-sign up ka, ngunit sa paglipas ng panahon, ang iyong mga rekomendasyon ay magbabago base sa paraan ng iyong pagbabasa.
Dahil ang inirerekomendang mga kuwento sa iyo ay nakabase sa paraan ng iyong pagbabasa, kapag mas madalas mong binabasa ang isang partikular na genre o tag, mas madalas mong makikita ang kaparehong mga kuwento sa iyong homepage. Ang genre selection ay hindi na maaaring baguhin matapos ang iyong unang pagpili, ngunit dahil ang home page ay gumagamit ng algorithm base sa paraan ng iyong pagbabasa, magbabago na lang ito sa paglipas ng panahon. Huwag mabahala kung may napili kang maling genre.
Nais ng Wattpad na maipakita sa mga Wattpadder ang mga kuwentong mahal nila at mahalaga sa kanila kasabay ng pagbabago ng kanilang kagustuhan. Tingnan ang aming artikulong Pag-adjust ng iyong Content Preferences para matutunan kung paano mo maaaring kontrolin ang nakikita sa iyong home page.
Maaari mo ring matutunan kung paano gumamit ng search at mga filter para madaling makita ang mga kuwentong hinahanap mo sa artikulo na ito mula sa Support: Naghahanap ng kuwento.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.