Ano ang YONDER?
Ang YONDER ay isang bagong app ng mga gumawa ng Wattpad at WEBTOON—para sa pagbabasa na mahal mo, na may mga maiikling kuwentong inilarawan para sa bawat appetite. Magkaroon ng access sa mga bago at piniling kuwento araw-araw para sa mga gusto ng na-curate at de-kalidad na pagbabasa na angkop sa kanilang abalang pamumuhay.
Paano ko mada-download ang YONDER?
Maaari mong i-download ang YONDER sa pamamagitan ng pag-click dito. Maaari mo ring bisitahin ang Google Play sa iyong Android device o ang App Store sa iyong iOS device at i-type ang YONDER sa Search bar.
Ang YONDER ba ay nilikha ng Wattpad?
Ang YONDER ay bahagi ng WEBTOON family ng mga app, na kinabibilangan din ng Wattpad. Ang Wattpad at WEBTOON ay malapit na nakipagsosyo sa pamamagitan ng YONDER upang bigyang-buhay ang isang kapana-panabik na bagong paraan upang basahin ang serialized fiction para sa mga mambabasa na gustong gumugol ng mas maraming oras sa pag-binge sa de-kalidad at na-curate na nilalaman nang walang anumang gambala.
Paano naiiba ang YONDER sa Wattpad?
Ang Wattpad ay para sa mga mambabasa at manunulat na mahilig sa social storytelling experience kasama ng isang pandaigdigang komunidad ng milyon-milyong tagahanga. Dito maaaring simulan ng sinuman ang kanilang libangan o karera sa pagsusulat, makakuha ng agarang feedback mula sa mga mambabasa, magpakasawa sa malawak na catalog ng mga kuwento, at iba pa.
Ang YONDER ay isang bagong app para sa pagbabasa na mahal mo, na may mga serialized na kuwento na muling inilarawan para sa bawat appetite. Ma-e-enjoy mo ang access sa mga bago at piniling kuwento araw-araw para sa mga gusto ng na-curate at de-kalidad na pagbabasa at wala masyadong gambala.
Bakit may ilang kuwento sa Wattpad na inilalathala sa YONDER?
Binibigyan ng Wattpad ang isang maliit na grupo ng mga manunulat ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga kuwento at palakihin ang kanilang mga kita sa YONDER. Maaari mong makita ang ilan sa mga bestseller ng Wattpad sa YONDER, ngunit patuloy silang magiging available sa Wattpad para sa mga mas gusto ng social reading experience.
Aalisin ba ang kuwento ko sa Wattpad at ilalathala sa YONDER?
Ang mga kuwento sa Wattpad ay ilalathala lamang sa YONDER kung ito ay napagkasunduan kasama ang manunulat ng kuwento. Ang iyong kuwento ay hindi mailalathala sa YONDER kung walang kasunduan na nilagdaan mo.
Papalitan ba ng YONDER ang Wattpad?
Ang Wattpad ay hindi pupunta kahit saan! Ang isang maliit na seleksyon ng mga kuwentong orihinal na isinulat sa Wattpad ay magiging available rin upang basahin sa YONDER na may pahintulot ng kanilang mga manunulat.
Maaari ko bang i-link ang aking Wattpad account at YONDER account o maaari ba akong mag-log in sa YONDER gamit ang aking Wattpad account?
Kasalukuyang hindi posibleng i-link ang iyong account sa pagitan ng dalawang app.
Paano ko maisusumite ang aking kuwento upang makonsidera para sa YONDER?
Sa kasalukuyan, pumipili kami ng mga kuwento sa pamamagitan ng imbitasyon lamang. Habang nagna-navigate kami sa bagong platform na ito at natututo tungkol sa mga uri ng mga oportunidad na umiiral para sa mga partikular na uri ng mga kuwento, magkakaroon ng higit pang direksyon kung paano ipakikita sa amin ang iyong kuwento at kung ano ang hinahanap namin. Mangyaring manatiling nakatutok!
Nag-unlock ako ng Paid Story sa Wattpad pero gusto kong basahin ito sa YONDER — kailangan ko bang bumili ng mga coin para ma-unlock ito sa Yonder?
Kapag na-unlock mo na ang isang Paid Story sa Wattpad, mananatili ang iyong access sa mga naka-unlock na binayarang parte upang basahin ito muli kung gusto mo, sa Wattpad. Ang access na ito ay hindi malilipat sa YONDER. Kakailanganin mong bumili ng mga coin sa YONDER upang ma-unlock ang parehong kuwento sa YONDER.
Lilipat ba ang aking Premium/Premium+ na subskripsyon sa YONDER sa anumang paraan?
Ang mga subskripsyon sa Wattpad ay nalalapat lamang sa karanasan sa Wattpad. Kasalukuyang walang opsyon sa subskripsyon sa YONDER.
Saan ako makakukuha ng tulong at suporta para sa YONDER?
Mangyaring makipag-ugnayan sa YONDER Help Center sa loob ng app.
Maaari ba akong maglipat ng mga coin/mga nakuhang coin mula sa Wattpad patungo sa YONDER?
Ang Wattpad at YONDER ay may sariling natatanging coin pack na magagamit lang sa bawat app mismo. Hindi posible ang paglilipat ng mga coin sa pagitan ng mga app.
Sa anong mga lengguwahe available ang YONDER?
Sa kasalukuyan, ang mga kuwento sa YONDER ay maaari lamang mabasa sa Ingles.
Magkakaroon ba ng desktop version ang YONDER?
Ang YONDER ay magagamit sa buong mundo sa pamamagitan ng Google Play (Android) at App Store (iOS). Kasalukuyang walang mga plano para sa isang desktop version ng YONDER. Aabisuhan ka namin kapag available na ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.