Skip to Content

Paglalagay ng Pangunahing Tauhan sa isang kuwento

Ang mga pangunahing tauhan ay pangunahing dahilan kung bakit nagiging kakaiba ang bawat kuwento. Ang bawat manunulat ay gumagamit ng character development para bigyang usad ang kanilang kuwento, i-engage ang kanilang mga mambabasa, at bigyang buhay ang mga kuwento.

Ang paglalagay ng mga pangunahing tauhan sa Wattpad ay makatutulong sa iyo na matandaan ang bilang ng iyong mga pangunahing tauhan, at natutulungan din ang Wattpad para makabuo ng mga paraan para mailarawan ang iyong mga tauhan at siyasatin ang iyong akda sa hinaharap.

Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang maglagay ng mga pangunahing tauhan sa Wattpad website (ang feature na ito ay wala sa aming mga app). Tandaan din na maaari ka lamang maglagay ng hanggang sa 20 pangunahing tauhan.

Sa Desktop Web 

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
  2. I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
  3. Piliin ang kuwento na nais mong lagyan ng mga tauhan
  4. Pumunta sa Detalye ng Storya na tab
  5. I-type ang isa sa pangalan ng mga pangunahing tauhan sa textfield sa ilalim ng Mga Pangunahing Tauhan
  6. I-click ang Add button sa tabi ng textfield na pinaglagyan mo ng tauhan
  7. Piliin ang alinman sa Save o ang I-publish para i-save ang mga pagbabago.

Para magtanggal ng tauhan, i-click ang Remove button sa tabi ng pangalan ng tauhan.

Mga Madalas na Katanungan 

Mga Magandang Gawain

  • Huwag ilagay ang parehong tauhan nang higit sa isang beses
  • Huwag gamitin ang pinakakilala lamang na pangalan para sa tauhan
  • Huwag ilista ang lahat ng posibleng tauhan, ang mga pangunahing tauhan lamang

Nakikita ba ng aking mga mambabasa ang aking listahan ng mga Pangunahing Tauhan?

Hindi makikita ng mga mambabasa ang listahan ng iyong mga tauhan. Ang listahang ito ay makikita lamang sa Story Details, at hindi ito makikita ng iba. (Tandaan: maaari itong magbago sa hinaharap, ngunit magbibigay kami ng abiso kung sakali).

Bakit hindi ako maaaring maglagay ng higit sa 20 Pangunahing Tauhan?

Pakatandaan, hindi namin ipinapayo ang paglalagay ng lahat ng iyong mga tauhan sa iyong kuwento. Ang 20 Pangunahing Tauhan ay maituturing na sapat na para sa karamihan ng mga kuwento. Ang mga Pangunahing Tauhan ay ang mga tauhang pinakamahalaga sa pag-usad ng plot. Kasama rito ang bida at kontrabida, at ilang iba pa. Isa pang paraan para matukoy ang mga Pangunahing Tauhan ay pagtukoy sa mga tauhan na madalas makita sa buong kuwento. Kung ang isang tauhan ay makikita lamang sa iilang kabanata, hindi siya maituturing na Pangunahing Tauhan at hindi sila dapat mapabilang sa iyong listahan ng Pangunahing Tauhan.

Paano kung maraming pangalan ang Pangunahing Tauhan?

Ilista ang pinakamadalas na gamiting pangalan ng iyong tauhan sa kuwento. Halimbawa; kung ang isang tauhan ay mas madalas gumagamit ng palayaw kaysa sa buong pangalan, gamitin ang palayaw ng tauhan.

Paano kung ang Pangunahing Tauhan na makikita sa kuwento ko ay walang pangalan?

Kung may tauhan sa iyong kuwento na walang pangalan ngunit gumaganap sa isang mahalagang papel, siguraduhing isama iyon sa iyong listahan. Dahil sa walang pangalan ang tauhan, gamitin ang pangtukoy sa tauhan na iyon sa iyong kuwento bilang kanilang pangalan. Halimbawa, nagbanggit ka ng isang wizard sa iyong kuwento ngunit wala itong pangalan, gamitin ang pangalan na pinaka madalas na itawag sa wizard na iyon, gaya ng, “wizard”, “wizard sa gubat”, “makapangyarihang lalaki” atbp.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
171 sa 183 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.